Advertisers

Advertisers

Sindikato ng mga iligal sa CALABARZON namamayagpag! Gamit ang mga pangalan nina Gen. Nartatez at nagbabalik na BGen. Lucas

0 1,124

Advertisers

SA harap ng pagbubunyag ng pagkakasangkot, hindi lamang sa pagnanakaw ng multi-billion na pondo sa flood control ng ilang project contractors at pulitiko, pagpapatakbo ng ilegal na sugal, colorum van at terminal, oil at petroleum smuggling at pilferage (paihi/ buriki) ay iginiit ng isang anti-crime and drug watch group kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na pakilusin ang mga ahensya ng pamahalaan upang wakasan na ang pamamayagpag ng mga naturang sindikato.

Ang tinutukoy ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) na atasan na kumilos kontra sa mga naturang kriminal ay hindi lamang ang kontrobersyal na si PNP Chief, Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., kundi maging ang nagbalik na Region 4A PNP director na si Brigadier Gen. Paul Kenneth Lucas at mga provincial director, kundi maging ang iba’t iba pang ahensya ng gobyerno.

Natuklasan ng MKKB na ang ilan sa mga sangkot na kontratista at pulitiko ay dawit din sa operasyon ng bawal na sugal tulad ng isang alyas Gardiola at alyas Marasigan na nagtatag ng kunwari ay anti- gambling militia sa CALABARZON, ngunit nang lumaon ay sila narin ang nag-operate ng jueteng na lalong kilala na madayang operasyon ng Small Town Lottery (STL) bookies.

Sa mga bayan ng Mataas na Kahoy at San Juan unang naitatag ang kunwari ay Batangas anti-gambling militia noong August 2024, kapanahunan ng panunungkulan nina Lucas at Batangas PNP OIC provincial director Colonel Jacinto Jack Malinao Jr.

Sina alyas Gardiola at alyas Marasigan ang nagpondo at nag-armas ng matataas na kalibre na baril mula sa kinita sa maanomalyang flood control. May 50-kataong anti-gambling militia na binubuo ng mga retiradong pulis, militar at mga siga-siga o “barako” sa kanilang komunidad ang pinili ng dalawang kunyari ay anti- gambling czars, kaya madaling nasawata ng mga ito ang operasyon ng STL bookies sa 29 bayan at 5 siyudad ng naturang lalawigan.

Ngunit matapos na makontrol ang bookies operation ng may 100 lokal na STL o jueteng maintainer sa Batangas, sila na mismo (Gardiola at Marasigan) ang nagpagalaw ng multi-million bookies operation sa buong Batangas, ginawang lokal na tagapamahala ang mga dating bookies maintainer at nang lumaon ay sinakop narin ang halos lahat na mga probinsya sa rehiyon.

Ang ikalawang grupo ng sindikato na naka-umbrella sa Gardiola at Marasigan anti-gambling militia ay sina alyas Sgt. Adlawan, Jamal, Amboy, Marvin, at alyas Sgt. Sandoval na silang tagakolekta ng suhol mula sa mga illegal gambling operator, mga maintainner ng sakla den, pergalan (peryahan na pulos sugalan) at ng oil and petroleum smuggling pilferage (paihi/ buriki).

Ayon sa MKKB dahil sa lingguhang lagay na kinokolekta nina Sgt. Adlawan, Jamal, Amboy, Marvin at Sgt.Sandoval para sa kanilang amo na police at government official kayat di pinaaksyunan ng kapulisan at iba pang awtoridad ang mga pasugalan tulad ng operasyon ng pergalan sa Brgy. Darasa sa Tanauan City at Brgy. Sambat, Padre Garcia ng isang Rommel; Brgy. Banaba ng isang alyas Glenda; sa bayan ng Taysan ng isang Rhodalyn; Brgy. Sambat sa bayan ng Bauan ng isang alyas Sherly, at sa Brgy. Bayanan, bayan ng San Pascual ng isang Ka Mundo..

May weekly kolektong din ang mga ito sa mga sakla ni alyas Willy Bokbok sa bayan ng Nasugbu lalo na sa Brgy. Catandaan, Bgy. 4, Brgy. Reparo, Brgy. Lumbangan at Brgy. Bilaran; sa Brgy. Sambat at Brgy. Banaba, Padre Garcia nina alyas Tisoy at Nonit; sa Brgy. Bagbag, Tanauan City ni alyas Ocampo at iba pang tulad nito sa Sto Tomas City.

Ayon din sa MKKB pagkat may tongpats ay lalo ding naging garapalan ang mga operasyon ng buriki at paihi nina Amang, Aldo at sindikatong Violago sa Brgy. Bancal, Carmona City, Cavite; sa compound ng beach resort sa Brgy. Simlong, Batangas City ni alyas Balita; sa Brgy. San Felipe ng isang RR at sa Brgy. Bawi ng isang alyas Roy parehong sa bayan ng Padre Garcia, Batangas; sa Brgy. Makiling, Brgy. Paciano Rizal parehong sa Calamba City at Silangan Exit, Cabuyao City, Laguna na mga paihian ng magkapatid na Ador; sa Brgy. San Luis, Guinyangan ng mag partner na alyas Sammy at Alfred at Brgy. San Isidro, Candelaria ng magkasosyong Lito Buriki at alyas Engineer ng Bulacan.

Kasabwat ng alyas Sgt. Adlawan-Jamal-Amboy-Marvin-alyas Sgt. Sandoval Group sina alyas Hero at alyas Ka Minong kolektong group sa Cavite kaya lalong lumakas ang mga sakla joint sa mga bayan ng Alfonso, Maragondon, Naic, Bailen, Magallanes, Noveleta, Ternate, mga siyudad ng Bacoor, Cavite at Dasmariñas, na sentro ng STL bookies, Peryahan ng Bayan (PnB), EZ 2, Pick 3 at online gambling ng isang alyas Jun Toto, Nita Kabayo, alyas Kap Abner at Santander na pawang sa lalawigan ng Cavite.

Naging bukambibig narin ang Dijan Syndicate na responsable sa lalong paglawak ng operasyon ng illegal terminal at ng 1000 unit na mga colorum van sa SM-Lipa City Terminal, Batangas at iba pang katulad nito sa naturang rehiyon. Habang ipinananakot ng mga ito ang pangalan ng tanggapan ni Finance Sec. Ralph Recto at ng opisina ni Batangas Gov. Vilma Santos- Recto.

Sa kabila ng lantarang operasyon ng mga naturang ilegal na aktibidad ay dedma lang at walang naging aksyon hanggang ngayon laban dito sina BGen. Lucas, Batangas OIC provincial director Col. Emerick Geovany Sibalo, Cavite PNP OIC provincial director Col. Ariel Red at iba pang PNP provincial directors, ayon sa MKKB. (CRIS A. IBON)