Advertisers
UMANGAL ang mga nagpakilalang miyembro at opisyales ng isang maimpluwensyang asosasyon ng mga operator ng kunwari ay tradisyunal na peryahan sa kalakhang Luzon dahil sa anila ay kwestyunableng anti-criminality and vice drive sa CALABARZON, kasunod ng crackdown sa pwesto ng mga peryahan na pinaniniwalaan na hindi lamang pinagdadausan ng malakasang sugal, kundi front din ng kalakalan ng droga na lalong kilala sa tawag na pergalan sa naturang rehiyon.
Sa mga text messages sa SIKRETA ng nagpapakilalang opisyales ng Samahan ng Magpeperya sa Pilipinas (SMP) ay tinuligsa ng mga ito ang hindi makatarungang pagsalakay ng ilang miyembro ng kapulisan sa kanilang mga pwesto sa ilalim ni PNP Region 4A Director Brigadier General Paul Kenneth Lucas.
Ayon kina alyas Baby Ive, ang Presidente ng SMP at isang Mr. Golay na association secretary kuno, sa kagustuhan ipakitang sila’y umaaksyon sa pamamagitan ng pagraid sa mga kuta ng pergalan ay lumalabas na isang uri ng panghaharas ang aksyon ng kapulisan na nagpapakita lamang ng hindi pantay-pantay na pagpapatupad ng batas o “double standard law enforcement”
“Ginugulo po lamang ng mga pulis na karamihan ay hindi naman naka-uniporme ang pagsusugal sa aming peryahan, kinukumpiska nila ang mga taya at iba pang mga kagamitan sa aming mga table at card games at nagsisilayas na tila walang nagawang pinsala samantalang ang ibang mga pasugalan ay hindi nila sinasalakay” ayon din sa kanilang pahayag.
“Wala din pong kaso na isinampa sa amin at mga tauhan namin pati na sa mga mananaya matapos ang ginawa nilang “banqueta operation”, moro-moro o gawa-gawang raid. Ibinulsa po lamang nila ang mga pera na ebidensya at pinagkitaan tulad sa ginagawa ng ilang police scalawag sa Metro-Manila”, ang pagbubunyag ng SMP.
Tinukoy din nina alyas Baby Ive at isang Mr. Golay ang mga moro-moro o gawa-gawang raid sa mga pergalan malapit sa barangay hall ng Darasa, Tanauan City at sa Brgy. Sambat, Padre Garcia na pinamamahalaan ng isang alyas Rommel at alyas Onad; sa Brgy. Banaba na pinapatakbo ng kilalang lady drug pusher na isang alyas Glenda; sa Poblacion Calaca na minamantine ng isang Arnel Dupang; sa Brgy. Bayanan, San Pascual ni alyas Ka Mundo at sa Taysan na pinapatakbo ng isang alyas Rhodaly na kilala ding “tulak” ng shabu. Hinimok naman ng mga mamamayan ng Taysan si Mayor Brigido Villena na huwag hayaan na malulong sa sugal at droga ang kanyang mga constituents.
Maging ang pergalan sa bayan ng Gumaca na ino-operate ng isang alyas Aggie Tomboy at Francia ay naging biktima din ng pagsalakay diumano ng kapulisan.
Sa lalawigan ng Laguna ay sinakay din ng mga nagpakilalang mga operatiba ni Gen. Lucas ang mga ng peryahan na may sugalan sa Biñan City at siyudad ng Cabuyao ng isang Judith at maging ang ilang pwesto pijo o permanenteng pasugalan sa Sta. Rosa City, Biñan City at San Pedro ng mga pulis na nagmula sa Laguna Provincial Police.
Inamin ng nagpadala ng kanilang mensahe sa SIKRETA na karamihan sa kanila ay nagpapasugal lamang at hindi nagpapabenta ng shabu at itinuro ng mga ito ang anila ay mga vice den na hindi naman tinitinag ng mga nakatalagang mga PNP Provincial Director sa CALABARZON.
Ngunit sa pagsasaliksik ng SIKRETA nadiskubre na wala pang iniaatas na serye ng raid si BGen. Lucas laban sa mga pergalan at wala din isinasagawang pagsalakay laban sa alinmang mga pasugalan sa mga nabanggit na siyudad at bayan.
Binatikos din ng SMP ang mga anila ay di matinag-tinag ng kapulisan na mga sakla joint sa mga barangay ng Reparo, Catandaan, Brgy. 4, Bilaran at Lumbangan sa bayan ng Nasugbu na minamantine ng isang alyas Willy Bokbok at “pinapatungan” ng lokal na pulis; sa mga barangay ng Sambat at Banaba Padre Garcia na inooperate ng isang alyas Tisoy at alyas Nonit; sa Brgy. Bagbag, Tanauan City ni Ocampo; sa limang barangay ng Santo Tomas City na pinapatakbo ng isang Magsino at ang pinakamaraming saklaan sa Lipa City kung saan ay gabi-gabing sabay-sabay na nag-ooperate ang may 20 sakla den sa ibat ibang barangay ng pulis na si alyas Lopez at informer na si Bornok.
Talamak din ang jueteng operation na kilalang 1-40 numbered game na Small Town Lottery (STL) bookies sa Batangas at Cavite at 1-38 naman sa mga lalawigan ng Laguna, Rizal at Quezon, na pawang di naman pinaaaksyunan ni BGen. Lucas.
Ang mga lokal na bookies operator ay may basbas ng magkasosyong alyas Gardiola at alyas Marasigan na kapwa sangkot din sa pandarambong sa pondo ng flood control at mga ghost project sa Batangas. Ang dalawa ang siyang “nacional protector” at tagapamudmod ng lingguhang suhol, lagay, payola o intelhencia sa mga kapulisan sa Camp Crame PNP Headquarter, PNP Region 4 A, mga provincial police office hanggang sa city at municipal level at iba pang government official.
Ang mga naturang ilegalista ay lingguhang kinokolektahan ng intelhencia ng mga “kapustahan” o police tong collector na sina alyas Sgt. Adlawan, Jamal, Amboy at alyas Sgt. Sandoval. May karugtong…
***
Para sa komento: Cp.No. 0966 406 6144