Advertisers

Advertisers

CONG. JAMES “JOJO” ANG JR., INIULAT NA UMANONG NAG-UTOS NG PAGHINGI NG “DONASYON” SA MGA KONTRATISTA

0 128

Advertisers

Sa counter-affidavit na inihain ni DPWH District Engineer Abelardo Calalo, lumabas ang mabigat na alegasyon na ang perang nasamsam sa kanyang pagkakaaresto ay hindi umano suhol para kay Congressman Leandro Leviste, kundi bahagi ng tinaguriang “donasyon” na ipinag-utos ni Hon. James “Jojo” A. Ang Jr., kasalukuyang kinatawan ng USWAG ILONGGO Party-List. Ayon kay Calalo, malinaw na natalakay sa kanilang Viber group chat ang utos ng kongresista na mangalap ng kontribusyon mula sa mga kontratistang may proyekto sa distrito.

Subalit, lumalabas din sa kanyang salaysay na matapos ang nasabing usapan ay binura umano ni Cong. Jojo Ang ang kanyang mga mensahe kay Calalo. Ito ang nagdulot ng matinding pagdududa sa kampo ng district engineer, na nagsabing kung wala namang dapat ikatakot o itago, bakit kailangang burahin ang mga palitan ng mensahe? Giit pa ni Calalo, ang mismong pagbura ng mensahe ay indikasyon na may itinatagong katotohanan sa likod ng naturang transaksyon.

Binigyang-diin ni Calalo na siya ay nadawit lamang sa maling akusasyon at ginagamit na “scapegoat” sa isang mas malawak na sistema ng pangangalap ng donasyon mula sa mga contractor. Aniya, ang perang hawak niya nang siya ay mahuli ay hindi para sa kanyang personal na interes, kundi resulta ng pagtalima sa ipinag-utos ng isang kongresista.



Sa harap ng mga rebelasyong ito, nananawagan si Calalo ng masinsinang imbestigasyon sa umano’y “donation scheme” at hiling na isailalim sa forensic examination ang mga Viber messages upang mabawi ang mga nabura at mailantad ang buong konteksto ng usapan. Dagdag pa niya, dapat bigyang diin ang due process sa halip na itulak ang isang selective na kaso na tila ginagamit para sa political propaganda.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">