Advertisers

Advertisers

Implementasyon ng 2024 Nat’l. Disaster Response Plan iniutos ng Malakanyang

0 7

Advertisers

INATASAN ng Malacañang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na ipatupad ang 2024 National Disaster Response Plan (NDRP) bilang paghahanda sa panahon ng bagyo o kalamidad.

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 100 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, pangungunahan ng NDRRMC sa pamamagitan ng Office of Civil Defense (OCD) ang implementasyon ng plano.

Nakasaad sa direktiba na kailangang magtulungan ang lahat ng national government agencies, government-owned o -controlled corporations (GOCCs), at mga LGUs para sa matagumpay na pagpapatupad ng NDRP.



Kasabay nito, ipinag-utos din ang masinsinang koordinasyon ng Presidential Communications Office (PCO) at OCD para sa tamang pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa NDRP.

Layunin ng 2024 NDRP na mapangalagaan ang buhay, makapagbigay ng agarang tulong sa mga apektadong komunidad, at mabawasan ang pinsala mula sa mga kalamidad sa pamamagitan ng mabilis at maayos na disaster response at recovery operations. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">