Advertisers

Advertisers

Sino si Usec. ‘Baboy’?

0 4,893

Advertisers

Sino itong isang high-ranking official sa isang Departamento ng gobyerno na siga-siga raw sa kanyang pwesto?

Ang nasabing Undersecretary ay madalas daw na hindi nagre-report sa kanyang opisina at hindi nagpapakita ng respeto sa kanyang superior at maging sa kanyang mga kasamahan sa trabaho. Sa madaling salita, siya ay maituturing na bastos.

Kung madalas siyang absent sa work, present naman daw palagi kapag may “accomplishments” at nagbibida-bida sa photo ops. Kahit isang simpleng Zoom meeting ay ipo-post na raw agad sa Facebook at ipagyayabang na may nagawa siya. May ilang pa-raid din daw siya na small time lang pero pinapalabas niya sa media na big time para mapunta sa kanya ang limelight. At kung may totoong accomplishments ay inaagaw naman daw niya ang credit sa kanyang boss at lumilitaw na parang siya na ang Secretary.

Palagi niya raw sinasabi na bata-bata siya nina Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Mel Robles at Philippine Amusement and Gaming Corporation Chairman Al Tengco kung kaya wala raw makakagalaw sa kanya.

Nahuhulaan n’yo na ba kung sino siya? Ang kanyang pangalan ay katunog ng isang sikat na kanta ng bandang Radioactive Sago Project kung kaya tatawagin natin siyang si “Usec. Baboy.”

Maraming seryosong alegasyon laban kay Usec. Baboy, lalo’t siya ang pinaghihinalaang source ng mga paninira laban sa sariling Departamento, lalo na laban sa ilan niyang katrabaho na kanyang kinaiinggitan. Malaki rin ang hinala na siya ang gumalaw para banatan sa media noong una ang kanyang mismong Secretary.

Kung totoo ang mga impormasyon tungkol kay Usec. Baboy, bakit nananatili pa rin siya sa pwesto? Kaya hindi ba siya masibak-sibak ay dahil totoong pinuprotektahan siya nina Mel Robles at Al Tengco? Nagtatanong lang!