Bagong Pagasa ng magbababoy, magmamanok, mag-iitlog, dairy at mga nasa sector ng agrikultura dumating na
Advertisers
Nagpahayag ng pasasalamat si AGAP Partylist Rep. Nicanor ‘Nikki’ Briones kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., nang lagdaan nito ang Republic Act No. 12308 o ang Animal Industry Development and Competitiveness Act noong Setyembre 25, 2025.
Lubos ang naging kagalakan ni Cong. Briones ng magiging batas ang Republic Act No. 12308, dahil isa siya sa pangunahing may-akda at sponsor ng mga batas.
Matatandaang isinumite ng AGAP Partylist ang nasabing batas noon pang taon 2022.
Ayon kay Rep. Briones, magkakaroon ng karagdagang tulong para sa livestock at poultryes sa pamamagitan ng Animal Competitiveness Enhancement Industri Fund (AnCEF) na minimum na P20 bilyong piso at maaaring umabot ng P30 bilyon kada taon epektibo sa loob ng sampung taon.
Aniya, magmumula ang pondo sa mga nakolektang taripa mula sa imported na karneng baboy, manok, at baka at mga dairy products.
Gagamitin ito para sa mga programa para sa livestock, poultry, at dairy industries tulad ng Repopulation at herd build-up; Animal health and welfare, disease control, prevention and response, kasama na ang animal vaccine development at stockpiling; Capacity Recovery Fund para sa cash assistance sa mga naapektuhan ng animal disease outbreaks tulad ng ASF at bird flu; Pagbuo o pagpapabuti ng mga pasilidad sa pagpoproseso tulad ng mga slaughterhouse, mga halaman sa pagbibihis ng manok, pagproseso ng karne at imbakan; Pag-unlad at pagpaparami ng mga feed ng hayop at manok, forage at fodder; at credit facilities para sa animal industry sector.
Sa RA 12308 o Animal Industry Development and Competitiveness Act, ang Bureau of Animal Industry na isang natatanging regulatory agency para sa mga veterinary drugs, mga produkto at biologics, kasama ang mga bakuna.
Nagpapalakas ng landmark ng batas na ito sa industriya ng mga baboy, baka at manok sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas malakas na suporta para sa mga magsasaka at maliliit na may-ari; Pagtitiyak ng pinabuting kaligtasan sa pagkain at biosecurity; Pagtutulak ng pagbabago at pandaigdigang pagiging mapagkumpitensya sa pamamagitan ng modernisasyon; at Pagtatatag ng P20B AnCEF.
Sa nasabing batas, magsisimula na ang isang bagong panahon para sa mas malakas, moderno, at umuunlad na industriya ng paghahayupan.
Sinabi pa ni AGAP Rep. Nikki Briones na isa itong panibagong pag-asa para sa sektor ng mga magsasaka.
“Salamat sa lahat ng tumulong na mambabatas sa pangunguna nina Speaker Martin Romualdez, Agri Chair Senator Cynthia Villar at Cong. Mark Enverga, Secretary Kiko Laurel at mga nasa sektor ng livestock, poultry, dairy at allied industry.”