Advertisers

Advertisers

200 KATAO KAKASUHAN SA FLOOD CONTROL SCAM

0 22

Advertisers

MAARING magsimulang magsampa ng mga kaso ang Department of Justice (DOJ) sa loob ng 90 hanggang 120 araw kaugnay sa maanomalyang flood control projects kungsaan nasa 100 hanggang 200 katao sa buong bansa ang maaaring sangkot, sinabi ni Justice Secretary Jesus Cris-pin Remulla.

Sinabi ni Remulla na ang mga awtoridad ay magsasampa ng unang reklamo o kaso kaugnay ng ghost projects.

Noong Miyerkules, nagtungo sa DOJ si dating Department of Public Works and Highways Undersecretary Roberto Bernardo, na nagdawit ng ilang mambabatas at opisyal ng gobyerno sa Senate Blue Ribbon Committee.



Ayon kay Remulla, mahigit 100 indibidwal ang maaaring sangkot sa maling paggamit ng bilyong piso para sa flood control projects.

Aniya, 67 sa mga ito ay naiulat na mula sa bulwagan ng Kongreso.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">