Advertisers
HINILING na ni Public Works secretary Vince Dizon sa Professional Regulation Commission (PRC) na i-revoke ang lesinseya ng 20 tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nasasangkot sa korapsyon sa Office of the Ombudsman kaugnay ng mga anomalya sa flood kontrol projects.
Nitong Biyernes, isinumite na ni Dizon kay PRC Chairman Charito Zamora ang mga ebidensya para sa revocation ng professional lincenses ng engineers, accountants at architects na kabilang sa mga tinukoy bilang ‘superstars’ sa flood control corruption scandal, kabilang sila Bulacan first district engineer Henry Alcantara at dating assistant district engineers Brice Ericson Hernandez at Jaypee Mendoza.
Sinabi naman ni Zamora na pabibilisin ang kahilingan ng DPWH dahil ang kumprehensibo na aang mga iniharap na ebidensya.(Jocelyn Domenden)