Advertisers

Advertisers

2k Kapampangan kumilos na laban sa anomalya sa flood control projects

0 18

Advertisers

NASA halos 2,000 biktima ng baha ang nagmartsa sa bahang kalsada sa Macabebe at Masantol, Pampanga.

Dala ng mga ito ang pekeng kabaong, placards, at streamers na nananawagan na tapusin na ang korapsyon sa flood control projects.



Nagkita-kita ang mga nagprotesta mula sa boundary arch ng Masantol, at ang mga nagmula sa San Gabriel Chapel sa Macabebe ay nagtungo sa San Nicolas de Tolentino Parish para sa misa na nilahukan ng 11 pari mula sa Vicariate of the Blessed Trinity.

Bilang pakikiisa, lumahok din sa sakramento ang ilang pari na ipinanganak o lumaki sa Macabebe.

Samantala, sa kaparehong programa ay kinondena ng Archdiocesan Council of the Laity (ACL) ng Archdiocese of San Fernando ang “greed, selfishness, and corruption of our key leaders and their cohorts,” sinabi ni Renato Galang, ACP president, na nagbasa ng kanilang paha-yag.

Pirmado ng mga lider mula sa 24 lay organizations, hi-nimok ng konseho ang “every Kapampangan to be courageous: to stand for the Truth, to live our faoith in action, and to demand integrity and accountability in governance.”