Advertisers
ISANG malaking industriya kung ituring ang ilegal vices tulad ng Small Town Lottery (STL) cum jueteng o bookies, sakla, monte at iba pang uri ng sugal sa Batangas. Ang pinatatakbo na mga iligal ng “Lipa City Big 4” at ng grupo ng mga kapustahan o police tong collector ay nagsisilbing tinik sa mag-inang Governor Vilma Santos-Recto at 6th District Rep. Ryan Christian Santos Recto.
Ang higit na naapektuhan sa talamak sa illegal vices operation sa naturang lungsod ay si LtCol. Aleli Buaquen na nagiging tampulan ng puna at batikos ng mga taga Lipa City dahil sa anila ay kawalan nito ng kakayahan na sugpuin ang notoryus na grupo ng naghahasik ng kriminalidad sa kanilang hurisdiksyon.
Ipinunto ng civic group na Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) na karamihan sa mga gambling den, tulad ng rebisahan ng taya ng STL bookies ng “Lipa City Big 4” at ng grupo ng kapustahan na kinilalang sina police woman alyas Sgt. Michelle, Jamal, alyas Sgt. Sandoval at nasibak na Davao Police alyas Sgt. Adlawan ay pawang mga front din ng bentahan ng shabu.

May inooperate ding 20 sakla joint at dalawang monte hub sina alyas Sgt. Michelle, isa rito ay ang nasa Brgy. 3, malapit sa Lipa City Public Market na pinopostehan ng pulis na si alyas Lopez, MJ Ojales, Oying Balasador at Estole. Ang mga naturang gambling den ay hayag ding prente ng bentahan ng shabu.
Simula nang matapos ng kanyang pagsasanay bilang rookie policeman ang bagitong si alyas Lopez ay ginamit na ang kanyang ID at police badge bilang sakla at monte operator, miyembro din ito ng isinusuka ng publiko na mga “kapustahan” o police tong collector sa ilalim ng pamumuno ni alyas Sgt. Michelle.
Bukod kay alyas Lopez ay alipores din ni alyas Sgt. Michelle sina alyas Jamal, alyas Sgt. Sandoval at ex-Sgt Adlawan. Nanawagan ang mga miyembro ng MMKB kina Acting PNP Chief LtGen. Jose Melencio Nartatez Jr. at Region 4A Director BGen. Paul Kenneth Lucas na ipatapon sa labas ng Region 4A ang mga ilegalistang pulis, partikular sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM).
Bukod sa Lipa City ay may inooperate ding dalawang sakla joint ang mga naturang police tong collector, kasosyo sina Tisoy, Nonit, isa rito ay nasa Brgy. Banaba at ang ikalawa ay nasa likuran ng opisina ng PCSO-STL Office sa Poblacion parehong sa bayan ng Padre Garcia. Sina Tisoy at Nonit ay kapwa nagpapakilalang maimpluwensya sa Padre Garcia pagkat kaalyado nila ang mga lokal na opisyales doon?
Hihigit sa Php 120,000 ang gabi-gabing iniaakyat na “biyaya” mula sa sakla ng grupo nina alyas Sgt. Michelle, kalahati nito ay napupunta sa bulsa ng kanilang superior officers.
Matibay at mistulang malaking industriya na at aakalaing legal ang pinatatakbo ng “Big 4” at alyas Sgt. Michelle na STL bookies, pagkat hindi hinuhuli ng Lipa City Police ang sinuman sa mga naturang gambling/cum drug operator . May di natitinag ding rebisahan ng taya sa bookies at drug haven sina alyas Sgt. Machelle sa kanilang safehouse sa Lumina Housing, Brgy. Tangway ng naturan ding siyudad.
Ang ilegalistang “Big 4” na kinabibilangan nina alyas Ana Tomboy, alyas Gerry Caro, Alyas Macoy Recto, alyas Ronald at Gary ay namana ang operasyon ng bookies sa tagapagtatag nitong si alyas Lojo noong 2007.
Katiting lamang sa Php 4M ang kubransa ng taya sa bookies ang naireremit sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng “Big 4” at alyas Sgt. Michelle o kabuuang Php 16M araw-araw, kalahati din nito ay isinusulit sa kanilang protektor na mga pulis at iba pang government official.
Hindi dapat balewalain nina LtGen. Nartatez Jr., BGen Lucas, Gov. Recto at ng anak nitong kongresista, Batangas PNP Provincial Director Col. Geovanny Emerick Sibalo at LtCol. Buaquen ang pag-usbong ng itinuturing na tinik sa pag-unlad ng lehitimong kalakalan ng Lipa City na hometown pa naman nina Gov. Vi.. May karugtong…
***
Para sa komento: Cp.No. 0966 406 6144.