Advertisers

Advertisers

ARNAIZ AT ALYAS KONSEHAL, AHAS SA TAYSAN!

0 1,100

Advertisers

HUWAG sanang maging kampante at magtiwala si Taysan Mayor Brigido “Dong” Villena sa dalawang indibidwal na nagpapakitang nagmamalasakit ngunit iba naman ang pinaggagagawa sa likod ng butihing alkalde.

LTGen. Jose Melencio Nartatez Jr. at Taysan Mayor Brigido A. Villena

Ang dalawang indibidwal na ito ay mga pinagkakatiwalaan at pumapapel na “adviser” ng alkalde ngunit tila ahas na tumutuklaw kay Mayor Villena pagkat pasimuno pala sa talamak na operasyon ng illegal quarry at iba pang ka-iligalan sa mga barangay ng naturang munisipalidad. Kabilang sa mga ipinangako ng alkalde noong nangangampanya pa ito ay ang pasugpo sa illegal quarry operation at mga iligal na gawain sa kanyang nasasakupan.

Ang pamilya ni mayor ay mga lehitimo at lisensyadong quarry operator. Bilang sertipikadong quarry operator ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay malaki ang naitulong ng pamilya ni Mayor Dong sa kanilang mga kababayan upang mabigyan ng hanapbuhay ang marami sa mga ito.

Ngunit ang hindi alam ng alkalde ay may mga kasabwat sina Arnaiz at alyas Konsehal na mga ilegal na nagpuputol ng mga puno, naghuhukay at nagtitibag ng lupa sa mga kabundukan sa liblib na mga barangay.

Kabilang sa mga nabigyan nina Arnaiz at alyas Konsehal ng fake na Permit to Operate Quarry ay ilang mga Chinese national, kabilang ang isang “Chua” na ang mga tauhan ay pawang mga Pinoy na karamihan ay mababa ang mga pinag-aralan na nanggaling pa sa Bicol at Visaya.

Sa mga nakaraang liderato ng Pamahalaang Bayan ng Taysan ay talamak na ang illegal quarrying na lalong naging talamak ngayon na pinag-uugatan ng korapsyon sa Taysan na karamihang sangkot ay ilang personalidad sa lokal at barangay.

Pinagkakakitaan ng ilang mga korap na lokal at barangay official sa porma ng tinatawag na “Pass Way Permit Fee” ang bumibiyahe na mga dump truck na nagkakarga ng mga panambak na lupa na ilegal na hinuhukay at tinitibag sa Taysan.

Halagang Php 600 ang itinakdang bayad na Pass Way Permit Fee ng mga driver ng mga dump truck upang malayang pumasok at makalabas sa mga illegal quarry sites sa Taysan na karamihan ay nagmula pa sa CALABARZON, Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon. Masusi pang tatalakayin ng SIKRETA ang paksang ito.

Bago pa lamang sa larangan ng pulitika si Mayor Villena kaya’t ang paniniwala ng mga nakapaligid sa alkalde ay napapaikutan at nabubulag nina Arnaiz at alyas Konsehal sa pagpapa-arangkada din ng lantarang operasyon ng bawal na Small Town Lottery (STL) bookies

Pinaghahatian ng mag-partner na Arnaiz at alyas Konsehal ang dating Php 500K na kubransa na taya sa madayang 1-40 STL illegal numbered games bawat bola. Ayon sa pinakahuling ulat ay pumapalo na sa Php 600K o Php 1.8M ang kubransa ng bookies sa tatlong bola bawat araw sa may 20 barangay ng bayan ni Mayor Dong. Ngunit halagang Php360K lamang ang naii-remit sa legal na PCSO at ang napakalaking kubransa ng taya ay sa STL bookies o jueteng nina Arnaiz at alyas Konsehal inilalaban?

Mistulang suntok sa kampanya laban sa krimen nina Acting PNP Chief LtGen. Jose Melencio Nartatez Jr. at Region 4A Director Paul Kenneth Lucas ang mga kabalbalang pinaggagawa nitong sina Arnaiz at alyas Konsehal. Anyare kay Batangas OICV Provincial Director Col. Geovanny Emerick Sibalo? May karugtong…

***

Para sa komento: Cp.No. 0966 406 6144.