Advertisers

Advertisers

Korean, Chinese arestado sa BI-FSU sa back-to-back operations

0 15

Advertisers

Iniulat ng Bureau of Immigration (BI) ang pagdakip sa isang Korean at isang Chinese national sa hiwalay na back-to-back operations sa Pasay City nitong October 2.

Ayon kay BI Fugitive Search Unit (FSU) Chief Rendel Ryan Sy, ang Korean national na si Jang Haesung, 41, ay dinakip sa Newport Boulevard dahil sa pagkakasangkot sa illegal investment schemes.

Diumano, si Jang ay nasa likod ng scam operations na nambibiktima ng Filipino at Korean nationals at ayon sa records, pumasok ito sa bansa August 2024 pero hindi nag-apply ng visa, kaya’t siya ay naging overstaying alien.

Sa nasabing operasyon sa parehong lugar ay naaresto din ang Chinese national na si Zhang Shuiping, 38.

Ayon sa official reports, si Zhang ay sangkot sa large-scale fraud, scams at extortion schemes.

Madalas umano si Zhang sa casino VIP rooms at nagpapakilalang agent upang makakuha ng customer information para sa kanyang iligal na operasyon. Posible rin umanong may koneksyon si Zhang sa narcotics abuse at organized groups na sangkot sa kidnapping, drug syndicates at prostitution activities sa Metro Manila. (JERRY S. TAN)