Advertisers
NASA malubhang kalagayan ngayon ang dating atleta ng bansa matapos siyang pagtulungang bugbugin ng mga siga sa Bgy.Tejeros sa Makati City.
Si Rene Catalan, Sr., 2006 Asian Games Doha Qatar wushu gold medalist, founder/ president nd Sudokwan., Inc., advocator ng Philippine Encuentro- Search for Filipino Heroes at may timon ng Catalan Fighting System Gym na nasa Yague St. sa Tejeros ay pinagtulungang bugbugin ng nasa 15-kataong basagulero sa barangay na nagsiga-sigaan sa Tejeros na malalakas ang loob dahil sa lakas umano ng kanilang impluwensya sa mga nanunungkulan doon.
Ayon sa taga CFS,nagsimula ang gulo nang magdeliver ng parcel ang kawaning rider ng courier company na J&T nang weekend sa halip na araw ng Lunes ayon sa usapan bahil ang bayad ay nakalaan sa araw na iyon kaya nagkaroon sila ng pagtatalo at naungkat pa ang madalas na pagdeliver ng kawani ng J&T nang wala naman silang inoorder.
Nang panindigan ng ating gold medalist na sa usapang araw na dalhin ang parcel ay lumikha na ng eksena ang delivery man at isinisigaw na binugbog siya umano ni Catalan at nagbanta pa ang courier na reresbak siya at ang kanyang tropa.
Dahil ayaw ni Catalan ng gulo lalo pa’t paalis sila at ng kanyang mga atleta patungong world championship sa Malaysia ay umiwas na lang siya na lumala ang pagtatalo at nagpasiyang i-settle na lang ang isyu sa barangay.
Pero nang papunta na sa barangay si Catalan kasama ang 2 witness niyang anak ay nagdatingan ang mga tinawag na tropa ng courier at pinaligiran si Catalan, at mula sa kanyang likuran ay inumbagan siya ng deadly at may humataw pa ng helmet dahilan upang mabasag ang panga , sumuka ng dugo at nawalan siya ng ulirat saka walang habas na suntok at sipa ang binira ng mga buhong sa biktima sabay pulasan ang mga siga.
Isinugod sa Ospital ng Maynila pero dahil di siya nalapatan ng lunas doon kaya lumipat sa PGH ang dating kampeon pero di umano naasikaso ang dating atleta na nakapaghandog na ng karangalan sa bansa.Nagpalipat siya sa National Orthopedic pero lalong sakit ang naramdaman niya nang malamang sobrang mahal ng kanyang babayaran sa operasyon .
Hanggang sa kasalukuyan ay at large pa ang mga kumuyog kay Catalan.
Mga kababayan, ating tulungan ang ating magiting na atletang naghandog na ng gintong medalya para sa Pilipinas.
Panagutin ang mga gumawa ng kasamaan pati na ang mga nagpabaya sa ?anilang katungkulan mula sa barangay,otoridad hanggang sa ospital na dinedma umano ang nagihingalong lagay ng sports hero ng bayan na si Rene Catalan… ABANGAN!
LOWCUT-Si Catalan at ang kanyang 7 atleta na naka 3 golds- 3 silvers sa nakaraang international martial arts championship sa Malaysia noong nakaraan at nasundan pa ito kahapon sa world championship ay ginagawaan na ng resolusyon sa Senado sa pangunguna ni Senate Committee on Sports na si Sen.Bong Go bago ang bayolenteng pangyayari ay nakatakda na ang courtesy call para pararangalan sila sa plenaryo.
Senator BG sir, tabang at hustisya para kay champ Catalan..ABANGAN!