Advertisers
Agad nasagip nina Jiet Michael A. Capoquin (red stripe) mga enforcers ng NLEX at enforcers ng Meycauayan ang babae na umakyat sa bakod ng tulay sa kahabaan ng NLEX sakop ng Brgy. Malhakan, Meycauyan City.
Ayon kay Konsehal Ronald Palomates, nangyari ang insidente 12:20 ng tanghali nitong Lunes, Oktubre 20, 2025.
Si alyas Joy, nasa hustong gulang ng Brgy. Bayugo Meycauyan ang nagtangkang magpakamatay sa tulay ng NLEX.
Ayon sa mga enforcers, namatayan ng anak, ang babae na posibleng sanhi ng matinding depresyon kaya tinangka nitong magpakamatay.
Agad dinala sa City Social Welfare ang babae, upang mabigyan ng counselling.(Thony D. Arcenal)