Advertisers
Kinasuhan ng plunder at graft sa Office of the Ombudsman ng mga magsasaka ng Narvacan, si dating Narvacan, Ilocos Sur mayor Luis “Chavit” Singson at ilang iba pa.
Sinabi sa ulat nabatid sa tatlong pahinang (3) reklamo ng plunder inihain ng mga magsasaka ng Warriors Ti Narvacan, Inc. ang reklamo laban kay Singson sa pangunguna ni Atty. Estelita Cordero.
Ayon pa sa reklamo kasama ni Singson na sinampahan ng plunder case ang dating Vice Mayor Pablito Sanidad Sr., at Mayor Edna Sanidad na ngayon alkalde ng bayan ng Narvacan at members ng Sangguniang Bayan ng Narvacan at iba pang dating opisyal ng Narvacan.
Sinabi sa complaint ni Atty. Estelita Cordero nag-ugat ang reklamo dahil umano sa pagkakasangkot ng mga inirereklamo sa pagbili umano ng halos 10 ektarya ng umano’y overpriced na lupa na pag-aari ng Western Textile Mills, Inc.
Nabatid kay Atty. Cordero, si Singson at ang kanyang mga kapwa akusado umano’y nakinabang ng humigit-kumulang P100 milyon mula sa transaksyon, matapos mabili ang ari-arian sa halagang P149,961,000—mas mataas sa aktwal na halaga nito na P49,987,000 lamang.
Ayon pa kay Cordero na ang transaksyon, naganap noong 2019 sa termino ni Singson bilang alkalde, na nagdulot ng P100-milyong pagkalugi sa ang pamahalaang local ng Narvacan pondo ng bayan.
Samantala, kasama sa iba pang respondents sa reklamo sina dating Vice Mayor Sanidad Sr., mga miyembro ng Narvacan Sangguniang Bayan, Municipal Assessor Arlene Debina, at Raymond Ang ng Western Textile Mills, Inc.
Kaugnay nito nagsampa rin ng reklamo ang ibang grupo ng mga magsasaka at mangingisda ng Narvacan ng kasong graft laban kay Singson, at sa iba pa na inakusahan ng iligal umano na pag-okupa sa mga baybaying lupain sa Sulvec, Ilocos Sur, kung saan siya umano ay nagtayo ng isang Santorini-style resthouse.
Pinangalanan din sa reklamong ito sina dating Philippine Tourism Authority General Manager Robert Dean Barbers, Ilocos Sur Provincial Environment and Natural Resources Officer Rosemarie Jornacion, at mga miyembro ng Narvacan Sangguniang Bayan. (Boy Celario)