Advertisers
KUNG hindi pa nabisto, hindi mabubuking ang bilyon-bilyong halaga ng proyekto na dumaan sa ilalim ng ilong ni Martin Romualdez bilang Speaker.
Oo! Mula 2023 hanggang 2024, hindi alam ng marami na umaapaw na pala ang pondo sa flood control at ayuda projects, na ngayon nga ay nabunyag bilang “ghost projects”.
Pero bakit ngayon lang ito sumabog?
Simple lang — dahil ito kay Chiz Escudero. Mismo!
Matagal na raw nakatago ang mga kalokohan sa ilalim ng pamumuno ni Romualdez.
Sa kaniyang SONA, mismong si Pangulong Bongbong Marcos ang nagsabi na talamak ang corruption sa infra projects. Pagkatapos nito, lumabas sa mga pagdinig sina Sen. Chiz, Sen. Ping Lacson, Mayor Benjie Magalong, at Sec. Vince Dizon at tinawag ang pansin sa mga suspicious na projects.
Tanging si Chiz lang ang pumalag at nagsabi ng totoo laban kay Romualdez noong natanong siya tungkol sa issue. Doon nagsimulang manginig ang mga pasimuno ng garapalang sistema.
Kaya nga tinanggal si Zaldy Co bilang Appropriatons Chair sa Kongreso — hindi dahil sa moral issue, kundi dahil nadamay na sa eksenang itinago ni Martin, na siyang nabunyag dahil kay Chiz.
Ngayon naman, para mailihis ang usapan, binibirahan si Chiz dahil sa umano’y “kamag-anak” issue. Pero parang panglito lang ito. Scripted, ika nga. Mismo!
Si Joseph John Quirante ay may-ari ng Octagon Concrete Solutions, na siya ring namamahala sa Tacloban Airport, na sakop mismo ng distrito ni Romualdez.
Kung alam ni Chiz ang kalokohan ng bayaw niya, bakit niya ipapasubo ang sarili niya para lang banggain si Martin? Walang logic. Walang sense, right?
At kung sisilipin naman ang mga proyekto ng bayaw ni Chiz sa Sorsogon, walang ‘ghost’, walang substandard, at higit sa lahat, walang anomalya.
Hindi bawal maging kontratista. Hindi rin bawal maging kamag-anak ng kontratista. Ang bawal ay yung manlinlang. Yung nagpa-ghost project, nag-overprice, o nangurakot. Hindi ito ginawa ng bayaw ni Chiz.
Ginagamit lang kaya ni Romualdez at ng kanyang mga tauhan ang script na ito ng “kamag-anak” para pagtakpan ang kanilang halos isang trilyong pisong flood control at ayuda scam?
Ito ba ay dahil nabuko siya ni Chiz na buong tapang na binanggit ang pangalan ng dating Speaker?
Paulit-ulit lang ang playbook na ito nila Romualdez at ang kanyang mga alipores: sisihin ang iba, palabasing inosente sila, at iligaw ang publiko. Pero alam na natin ang katotohanan:
Si Romualdez ang pinaka-may sala.
Hindi uulan ng bilyones sa kamay ni Zaldy Co, mga kurakot sa DPWH, at mga gahaman na contractor kung wala si Romualdez bilang Speaker.
Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi dahil sa kanya. Tuldukan!