Advertisers

Advertisers

GUMUHO NA POSTE SA CONSTRUCTION SITE SA TAGUIG, 1 PATAY; 3 SUGATAN

0 26

Advertisers

ISANG construction worker ang binawian ng buhay habang tatlo pa sa kanila ang sugatan matapos na gumuho ang poste na kanilang itinatayo sa loob ng construction site ng isang gusali sa Bonifacio Global City, Taguig City ,Lunes ng umaga,Oktubre 20.

Batay sa inisyal na ulat ng Taguig City Police Station, ang insidente ay naganap alas-11 AM sa loob ng construction site , sa 34th Street corner Lane D kung saan abala ang mga construction workers sa pagtatayo ng ginagawang core wall para sa elevator ng itinatayong gusali.

Ayon sa ilang nakaligtas, biglang gumuho ang itinatayong poste mula sa kinaroroonan ng mga biktima kaya’t agad silang isinugod sa pinakamalapit na ospital.



Ang biktimang nasawi na pansamantalang hindi muna binanggit ang pangalan ay dead on arrival sa ospital habang patuloy na ginagamot ang tatlong kasamahan nito. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">