Advertisers
‘SUBMITTED for resolution’ na ang kasong murder, serious illegal detencion, at iba pang reklamo laban sa mga isinasangkot sa missing sabungeros matapos ang ika-tatlo o huling araw ng preliminary investigation sa Department of Justice (DOJ).
Kinumpirma ito ni Senior Assistant State Prosecutor Charlie Guhit nitong Martes sa preliminary investigation sa kaso ng mga sabungeros.
Nangako si Guhit sa publiko na magiging patas ang panel of prosecutor sa mga kaso at titimbangin ng maigi kung dapat bang ibasura o iakyat sa korte ang reklamo.
Ayon sa DOJ, 57 mula sa 62 respondents ang nakapaghain ng counter-affidavits kabilang ang itinuturong mastermind sa kaso na si Atong Ang, mga kaanak, at si Gretchen Barretto .
Nagsumite rin ng sinum-paang dalaysay ang magka-patid na Patidongan.
Hindi pa tiyak kung kailan ilalabas ang resolusyondahil sa da mi ng mga dokumento at ebidensiyang iniharap sa panel of prosecutors.
Sisikapin naman ng mga piskal na agad maresolba ang kaso.(Jocelyn Domenden)