Advertisers

Advertisers

Bgy. kapitan namaril nang sitahin sa videoke

0 28

Advertisers

TINUTUGIS ngayon ang isang barangay kapitan sa Dasmariñas, Cavite nang barilin at mapatay ang kapitbahay dahil sa alitan sa videoke, Biyernes ng gabi sa Barangay San Jose.

Base sa ulat, nag-iinuman at nagbi-videoke ang kapitan nang sitahin siya ng biktima, na nauwi sa mainit na pagtatalo.

Habang kinukuhanan ng video ng biktima ang insidente, bigla siyang binaril ng kapitan sa dibdib.
Idineklarang dead on arrival ang biktima sa ospital.



Nakuhanan ng CCTV ang pagtakas ng salarin matapos ang pamamaril.

Nagsampa na ng kaso laban sa barangay chairman ang Dasmariñas Police, habang nanawagan ang asawa ng biktima na panagutan ng salarin ang kanyang ginawa at humarap sa batas.
(Boy Celario)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">