Advertisers

Advertisers

POLITIKO, KONTRAKTOR, BAGMAN PAGSASAMAHIN SA SELDA!

Flood contral scandal

0 17

Advertisers

KASABAY ng paghahanda ng Department of Interior and Local Government (DILG) para sa posibleng pagpapakulong sa mga sangkot sa flood control scandal, tiniyak ni Interior Secretary Jonvic Remulla na walang ibibigay na special treatment sa kahit sinong makukulong.

Giit ni Remulla, sinumang makukulong dahil sa flood control scandal ay magsama-sama sa loob ng selda, anuman ang kani-kanilang estado sa buhay.

Nitong Lunes, Oct. 20, nagsagawa ng inspection ang kalihim sa New Quezon City Jail sa Payatas bilang paghahanda para sa posibleng paglobo ng mga makukulong dahil sa naturang iskandalo.



Sa isang panayam, nilinaw ni Remulla na ang naturang pasilidad ay matagal nang naitayo ngunit kailan lamang natapos ang Phase 3 na pangunahing inihahanda para sa mga sangkot sa flood control scandal.

Sa inisyal na inspection, aniya, maaaring magsama ang sampung indibidwal sa bawat selda habang bakante ang 21 hanggang 22 selda para aga-rang magamit.



Katumbas ito ng mahigit 200 preso.

Gayunpaman, kung mas marami pa sa 200 ang makukulong, kayang-kaya ng pasilidad na tumanggap ng hanggang 800 katao.



Plano ng DILG na pagsama-samahin ang mga preso sa selda nang hindi ikinukunsi-dera ang kanilang katayuan sa buhay.

Maari aniyang magsama sa loob ng selda ang isang senador, kontraktor, kongresista, atbpa kung sakaling ipag-utos na ang kanilang pansamantalang pagkakakulong habang dinidinig ang kanilang kaso.

Ayon pa kay Remulla, pawang propesyunal ang mga miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology para sa pagbibigay ng sapat at pantay-pantay na serbisyo sa mga nasa loob ng kulungan.