Politicians, DPWH engineers, contractors para sa inyo ito! ‘DONE NA PONG MAGBAYAD NG TAX PUWEDE NANG NAKAWIN ULIT’ – DENNIS TRILLO
Advertisers
NAGPASABOG ng matinding patutsada ang aktor na si Dennis Trillo hinggil sa isyu ng korapsiyon at pagkurakot sa buwis ng taumbayan.
Bagama’t maiikli, matitindi at malaman ang mga pahayag ni Dennis na tila banat sa opisyal ng gobyerno na patuloy umanong nangungurakot sa kaban ng bayan.
Sa isang Facebook post na agad na nag-viral, sinabi ng aktor: “Sa dami ng nasangkot… hanggang ngayon, wala paring nananagot.”
Sa isa pang post, muling bumanat si Dennis at sinabing: “Done na po magbayad ng tax nung isang araw… Pwede niyo nang nakawin ulit.”
Maraming netizen ang sumang-ayon sa sentimiento ng aktor habang ilan naman ang humanga sa tapang ni Dennis na magsalita laban sa katiwalian.
“Hahahaha may pangtravel nanaman.”
“Tiba tiba na naman mga nasa gobyerno.”
“Boom! Puksaan na mga ehemmm.”