Advertisers

Advertisers

3 air assets ni Zaldy Co nailabas na ng Pinas

0 12

Advertisers

NAKALABAS na ng bansa ang tatlo sa sampung air assets ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ayon sa CAAP, kabilang dito ang dalawang AgustaWestland AW139 helicopters na nagkakahalaga ng tig-16 milyong US dollars at isang Gulfstream 350 jet na tinatayang nagkakahalaga ng 36 milyong US dollars.

Nilinaw ng ahensya na maaari pa ring ibenta ang mga aircraft dahil nananatili pa ang kanilang rehistro sa Pilipinas.



Tinangka umano ni Co na ipa-de-register ang mga ito, ngunit dahil iniimbestigahan na, hindi na ito prinoseso ng CAAP — hindi na kasi maaaring mairehistro ang mga eroplano sa ibang bansa hangga’t hindi ito nade-deregister sa Pilipinas.

Samantala, wala pa namang freeze order mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) kaya hindi pa maipagbabawal ang paggalaw ng mga aircraft.

Kapag naisyu na ang freeze order, maaari nang hilingin ng Pilipinas na ipatupad ito ng CAAP sa mga bansang pinuntahan ng naturang air assets.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">