Advertisers

Advertisers

Coast guard patay sa pamamaril

0 12

Advertisers

NASAWI ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) nang pagbabarilin sa Sampaloc, Maynila nitong Miyerkules ng madaling araw.

Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang biktima na si Apprentice Seaman (ASN) Al Hazil Tati, na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo, mukha at katawan.

Sa inisyal na impormasyon ng pulisya, 3:55 ng madaling araw naganap ang krimen nang nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at hindi pa nakikilalang salarin.



Nauwi umano ito sa suntukan hanggang sa tumakbo ang biktima, na ilang ulit pinutukan ng gunman, na nagresulta ng pagkamatay ng coast guard.

Kinuha na ng PCG Manila ang labi ng kanilang miembro, habang patuloy na nangangalap ng ebidensya ang pulisya at inaalam ang pagkakilanlan ng salarin.(Jocelyn Domenden)