Advertisers
Arestado ng Valenzuela City Police Station (VCPS) ang isang construction worker na naitala bilang Rank no. 5 most wanted ng Northern Police District (NPD) District Level, sa isinagawang operasyon sa Karuhatan Public Cemetery.
Katuwang ang Northern District Intelligence Team (NDIT), Regional Intelligence Unit–NCR (RIU-NCR), at ang Philippine National Police Intelligence Group (PNP-IG), nasakote ng pulisya ang nasabing lalaki, na napag-alamang Rank no. 7 most wanted naman ng VCPS Station Level.
Sa ibinahaging Facebook post ng VCPS nitong Lunes, Nobyembre 3, inilahad nilang inaresto ang suspek matapos itong isyuhan ng Regional Trial Court (RTC) Branch 270 ng Valenzuela City, hinggil umano sa paglabag nito sa Lascivious Conduct, sa ilalim ng Section 5(b) ng Republic Act (RA) 7610.
Ang nasabing warrant may inirerekomendang piyansa na aabot sa P720,000.
Ayon sa VCPS, dumaan muna sa isang medical examination ang suspek bago isailalim sa kustodiya ng pulisya, para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.(Beth Samson)