Advertisers
Lumahok si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ikalawang session ng 32nd Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting (AELM) sa Hwabaek International Convention Center (HICO) sa Gyeongju, South Korea nitong Sabado, Nov. 1.
Sa nasabing session, muling iginiit ng Pangulo ang kahalagahan ng matatag na public-private partnership upang maisulong ang inklusibong pag-unlad at patuloy na sigla ng ekonomiya sa rehiyon.
Binanggit din ni Marcos Jr. ang pangangailangan ng mas malalim na ugnayan sa APEC Business Advisory Council (ABAC) upang makabuo ng mga framework na sasagot sa kakulangan sa imprastraktura, lalo na para sa energy security, energy transition at digital transformation.
Ipinanawagan niya sa mga kapwa lider ang pagpapalakas pa ng kalakalan at pamumuhunan, sabay-turing sa Pilipinas bilang isang handang destinasyon para sa mas maraming negosyong internasyonal dahil sa estratehikong lokasyon at mataas na kasanayan ng mga manggagawa.
Dagdag pa ng Pangulo, kasabay ng paghahanda ng Pilipinas bilang Chair ng ASEAN sa 2026, handa ang bansa na paigtingin ang APEC-ASEAN alignment upang makalikha ng mas matatag na polisiya at mas malawak na oportunidad para sa lahat ng mamamayan sa rehiyon. (Gilbert Perdez)