Daniel Padilla si Kaila Estrada na ang bagong ka-dinner; Kathryn Bernardo ‘Mayor’ ang kasama nung Halloween
Advertisers
Ni Anne Venancio
NAGKAKAGULO na naman ang KathNiel fans na umaasang magkakabalikan pa sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Pero mukhang tuluyan na ngang natuldukan ang posibilidad na “KathNiel reunion,” dahil mas mainit ngayon ang usapan tungkol kina Daniel Padilla at Kaila Estrada, matapos silang mamataan na magkasama sa isang Halloween party.
Mukhang may bagong love team na nabubuo — ang KaiNiel.
Pinakilig ng dalawa ang netizens nang pareho silang nagbihis bilang Gomez at Morticia Addams, ang iconic na mag-asawang karakter mula sa The Addams Family.
Kasama nila sa event ang ilang malalapit na kaibigan, ngunit tila kay Daniel at Kaila nakatuon ang atensyon ng lahat. Ilang oras matapos ang party, spotted din ang dalawa na magkasamang kumakain sa isang Chinese restaurant.
Agad itong nag-trending at marami ang natuwa na makitang masaya at relax na si DJ.
Komento ng mga netizens, “Bagay sila!” habang ang iba nama’y nagsabing naka-move on na nga ang aktor kay Kathryn matapos ang hiwalayan nila noong 2023.
Wala mang kumpirmasyon sa dalawang kampo, halatang may chemistry sina Daniel at Kaila — on-screen man o off-screen. Fans can’t help but ask: ito na ba ang #KaiNiel soft launch?
Samantala, trending din si Kathryn matapos umano siyang makitang kasama si Mayor Mark Alcala sa isang intimate Halloween party sa kanyang mansion.