Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Pinag-uusapan ng mga tsismosang kapitbahay ang isang clip kung saan makikitang nakikipag-party si Anne Curtis kasama ang guwapong Kpop group Got7 member na si Jackson Wang.
May mga nagmamalditang binigyan ng malisya ang pagiging clingy ni Anne sa nasabing Hongkong rapper, singer at songwriter.
May mga nang-iintriga pang animo’y dalaga raw ang peg ni Anne sa closeness nito kay Wang.
Ito ang ilang sey ng kibitzers.
“May isang comment sa tiktok, “na para bang walang asawa at dahlia na uuwian” HAHAHAHAHAHA jackson wang na yan eh?!”
“Natawa ako sa comment sa Tiktok: na para bang mhie at dhie ang tawagan.”
“Sana all dyosa hahaha si Anne keeps winning na lang talaga in everything. Dalhin niya kaya sa showtime si Jackson hahaha”
“Seloso ba si Erwan?”
” I’m sure aware naman na siya sa lahat ng aspects ng work at celeb life ni Anne so hopefully hindi naman issue mga ganitong interactions hehe”
“ASDGHDKSKSKS WAAAAAAAHHHHH Tinapos na ni Anne ang pila. THE JACKSON WANG? PUMAYAG NA GANYAN KA CLOSE AT NAGING CLINGY? Girl… ang swerte ni Anne”
“Paano yung asawa ni annkortiss?”
“Ang alam ko crush ni Anne si Jackson. Si Anne na talaga ang pinagpala sa balat ng Pilipinas hahahaha”
“Iba si Anne friendship ang everybody! Song Hye Kyo , and now Jacson Wang! Mhie pakisunod naman si IU at V pls.
“pumila ka anne ANOBA” HAHAHAHAHAHAAHA
“Anne, may erwan ka hoy magtira ka naman samin.”
“Bakit ang cute nila tignan together”
“Ka-shot puno nya pala si Jackson sa table ahahaha”
“Dalaga ang peg. Hahaha.”
***
MTRCB, pinatatawag ang Viva matapos murahin ang Ahensya ng isang content creator
IPINATAWAG ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Viva Communications, Inc. para sa isang dayalog matapos kumalat sa social media ang isang video kung saan makikita ang isang content creator na nagmura laban sa Ahensiya sa premiere ng “Dreamboi,” isang kalahok sa CineSilip Film Festival 2025.
Ayon sa MTRCB, ang pahayag ng content creator ay isang anyo ng kawalang-galang sa institusyon at sa mga taong nagsisilbi sa likod ng Board.
Sa isang liham na may petsang Oktubre 23 na ipinadala kay Viva President Vincent G. Del Rosario, sinabi ng MTRCB na layunin ng pagpupulong na itaguyod ang pagkakaunawaan at ang pagiging responsable sa mga pampublikong kaganapan.
“In line with our Responsableng Panonood campaign and our vision for healthy collaborative practices with our stakeholders, we would like to invite you for a dialogue on the said report,” sabi sa liham.
“Habang iginagalang namin ang kalayaan sa pagpapahayag, tinitingnan ng Ahensiya na may lubos na pag-aalala ang paggamit ng mga salitang nagpapakita ng kawalan ng respeto sa mga pampublikong institusyon at sa mga pamantayang gumagabay sa angkop na klasipikasyon ng pelikula,” sabi ng MTRCB.
Ang dayalog sa Nobyembre 4 ay magsisilbing plataporma para sa isang bukas at positibong pag-uusap upang higit pang mapagtibay ang propesyonalismo at pananagutan sa industriya ng pelikula at telebisyon.