Advertisers

Advertisers

GAB CHAIR RIVERA TUNAY NA GABAY NG PH ATLETANG PRO

0 5

Advertisers

SA lahat ng ninombrahan ni PBBM na ‘all presidents’ men,sulit ang kanyang tiwala kay Games and Amusement Board(GAB) Chairman Atty. Francisco J.Rivera.

Tama sa kanyang sinumpaan, sa higit na isang taon pa lang ng kanyang liderato sa GAB ay inakay na niya ang Philippine professional sports sa mas angat na estado.

“ Staying true to our mandate. we at the GAB will continue to uphold the integrity of professional sports and the welfare of our athletes in the country, We look forward to working with everyone in this endeavour”, pahayag ni Atty. Rivera na mula sa day one ng panunungkulan ay ‘no dull moment’ sa kanyang pagtupad sa sinumpaan sa bayan,

Dahil sa pagiging batikan sa kanyang propesyon bilang abogado ay very professional niyang naipatutupad ang marapat na sistema ng naturang ahensya sa kapakanan ng lahat ng konsernado sa pro sports sa bansa sa aspetong tagumpay man o pagkatalo sa patas na ground ng bakbakan.

Di na kayang gulangan ang ating mga propesyunal na manlalaro na sumasabak sa abroad para sa glorya sa sarili at sa bansa.

Ang resibo ni chair Rivera ay di matatawaran mula noon hanggang ngayon.

Ang pride ng Agusan at produkto ng University of thr Philippines College of Law ay tinitiyak niya na sa kanyang liderato ang tamang sistema mula sa licensing applications ,panunupil ng gamefixing, hulog ng laro, mga pasaway na propesyunal na basketball players mga boksingerong itinataya ang kasikatan sa pagiging wayward sa kanilang carreer..

Marami sa ating mga pro athletes ang saludo sa pagiging workaholic ni chair Rivera kaya in return ay di birong karangalan ang kanilang uwi at handog para sa bayan.

Kaya naman ngayong umaga ay isang grand welcome at red carpet na pagsalubong ang inihanda ng GAB sa pagdating ng ating bagong bayaning world champion sa billiards na si Jonas Ruga Magpantay nang kanyang dominahin ang lahat ng pinaka-hustler na bilyarista sa buong mundo at koronahan siyang hari ng World Cup 10-Ball Qatar nitong weekend lang. Walang kapantay na tagumpay kay Magpantay at sa Pilipinas..

MABUHAY!!