Advertisers
GUMUHO ang bahagi ng P96.5-milyong flood control project sa Barangay 5, San Miguel, Iloilo noong Nobyembre 2, 2025, bago pa manalasa ang bagyong Tino nitong Martes.
Ang pagbagsak ng isang bahagi ng istraktura ay iniulat 10:00 ng umaga ng Nobyembre 2.
Ayon kay Kagawad Geenefer Salavante, umabot sa 104 metro ang nasirang bahagi ng 602 metrong proyekto, batay sa datos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Iloilo Office, at ang pondong inilaan dito ay P96.499 milyon.
Isang pagpupulong ng bayan kasama ang mga opisyal ng barangay ang isinagawa upang pag-usapan ang gumuhong istraktura at upang maghanda sa mga pagbaha.