Advertisers

Advertisers

Year-end bonus, cast gift ng gov’t employees maagang ilalabas ng Marcos admin

0 12

Advertisers

Inanunsiyo ng Malakanyang na maagang ipamamahagi ng pamahalaan ang year-end bonus at P5,000 cash gift ng mga empleyado ng gobyerno.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Usec. Claire Castro, matatanggap ang mga benepisyo sa unang payroll period ngayong Nobyembre.

Inilaan ng DBM ang P63.69 bilyon para sa year-end bonus ng civilian at uniformed personnel, habang ?9.24 bilyon naman para sa cash gift ng 1.85 milyong kawani sa buong bansa.



Katumbas ng isang buwang basic pay ang year-end bonus base sa sahod noong Oktubre 31, habang ang P5,000 cash gift ay taunang pagkilala sa sipag at dedikasyon ng mga lingkod-bayan.

Giit ni Castro, patunay ito ng pagpapahalaga ng administrasyong Marcos sa serbisyo at kabayanihan ng mga kawani ng pamahalaan. (Gilbert Perdez)