Advertisers

Advertisers

SERYOSONG AKUSASYON LABAN KAY TITO SEN

0 11

Advertisers

Hindi dapat balewalain sa paningin ng inyong abang lingkod ang mga pasabog sa social media ng komedyante at former host ng noontime show na Eat BulaGA na si Anjo Yllana laban kay Senate President Tito Sotto.

Ang pagbubulgar ni Yllana sa isyung may kabit ang Senate President sa kabila ng pagiging may asawang tao nito ay isang usaping napakahalaga na sumasakop at pumapagitna sa integridad ng buong institusyon ng Senado.

Immoirality concern ito na marapat klaruhin at bigyang- tugon ni Sotto.

Integridad ng institusyon ang nakataya dito at ang moralidad upper chamber ng Kongreso.indi Hindi makakapayag ang sambayanaang Pilipino na isang immoral ang nakaupong Senate President sakali mang totoo at may katotohanan ang ipinupukol na AKUSASYON ni Anjo Yllana laban kay Senate President Sotto.

Isang malaking inhustisya rin ito at salot sa DANGAL ng bawat kababaigan at mga ilaw ng tahanan.

Hindi rin naka- confined sa pagmimintine ng mistress o KABIT ang ikinulapol na isyu laban kay SP Tito Sotto kundi ang insinuation na posibleng may alam din ang senador sa isang unsolved murder case commited years back…ang pagkakapaslang sa isang Rey dela Cruz na Barangay Captain ng Quiapo,Maynila na isa ring talent manager ng mga aspiring movie sex sirens.

Kung hindi tayo nagkakamali, isa ang kaso ni Rey dela Cruz na nananatiling unsolved at nilulumot na kaso sa Homicide Section ng Manila Police District. magpahanggang magpa- hanggang ngayon at hindi pa rin napagkakalooban ng hustisya.

Related ito sa isa pang criminal case na isinampa naman ng talent ni Rey dela Cruz na si Pepsi Paloma.

Gang rape ito na isinampa laban sa kapatid ni SP Sotto na si Vic Sotto at dalawa pang Eat Bulaga mainstays na si Joey de Leon at’ Ritchie D ‘Horsey.

Isa itong urban legend story sa lipunang Pinoy partikular na sa showbiz community kung saan tila may code of silence na umiiral hanggang sa kasalukuyan.

Si Tito Sen ang nasa forefront at pangunahing personalised na nanguna sa pag- areglo sa kontrobersiyal na kasong gang rape.

Speaking of controversial, isa pang kontrobersiyal na personalised ang lumutang noong sa kaso ni Pepsi Paloma at sa pagpatay kay Barangay Captain at doctor na si Rey dela Cruz.

Ito ay si Benjamin Mendoza, a.k.a. Ben Ulo na isang si parolado Ng Muntinlupa at malapiit sa pamilya Sotto.

Malalim pa ang mga balong dapat hukayin bago marating at makamit ang hustisya para kina dela Cruz ang sa aktres na si Pepsi Paloma.

May restraining order pa ring umiiral para sa pagpapalabas ng pelikula hango sa kuwentong ito ni dela Cruz at Pepsi Paloma na idinerehe at masusing inobra ng bata at matapang na director na si Daryll Yap.

Ang mga seryosong AKUSASYON ni Anjo Yllana laban kay Senate President Tito Sotto ay bahagi lamang ng isang malaking puzzle na posibleng magbigay ng katarungan sa dalawang kaluluwang inapi at inabuso ng mga taong- kilala sa lipunan,maimpluwensiya at nasa kapangyarihan.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com