Advertisers

Advertisers

AJ Raval matapang na inamin kay Boy Abunda: “Lima na po ang anak ko, 3 kay Aljur”

0 23

Advertisers

Ni Anne Venancio

Naging emosyonal ang aktres na si AJ Raval sa interbyu sa kanya sa programang ‘Fast Talk with Boy Abunda’ matapos siyang tanungin kung ilan na ang mga anak nila ng aktor na si Aljur Abrenica.

Nilinaw ni AJ na mayroon siyang 5 anak, at hindi lamang dalawa gaya ng kumalat sa social media.

“Actually, Tito Boy, lima na po… First one is Ariana, panganay ko po siya — 7 years old. Second one is Aaron, he’s an angel now… wala na siya,” pahayag ng aktres habang pinipigil ang pagpatak ng luha.

Dagdag pa nito, “Third one is Aikina, ’yung panganay namin ni Aljur. Then si Junior, at ang bunso naming si Abraham.”

Bagama’t mabigat ang usapan, pinuri ni Tito Boy ang katapatan ni AJ sa pagbubukas ng kanyang personal na buhay sa publiko. Sa kabila ng mga kontrobersiya, ipinakita ng aktres ang kanyang pagiging matatag bilang ina.