Dovie San Andres, Kaligayahan Para Sa Kanya Ang 2 Apo Na Sina Xander At Zayden; Angel Aquino Parehong Starstruck Kina Nora At Vilma
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
Maswerteng maituturing kilalang Social Media Personality na si Dovie San Andres, sa tatlong mga anak na sina Dean, Duke, at Elrey Binoe. Kahit kasi mga binata na itong sina Duke at Elrey ay sweet at caring son pa rin sila sa kanilang Mommy. Well maganda at maayos naman kasi ang pagpapalaki ni Dovie at Sir Alec sa mga ito kaya’t lumaking mabait at marespeto. Ang panganay naman ni Dovie na si Dean ay binigyan naman siya ng parehong cute at mga gwapong Apo na sina Xander at Zayden. Maligayang-maligaya si Dovie tuwing dinadala ni Dean at wife nito sa bahay nila ni Sir Alec sina Xander at Zayden. Before ay ang first grandson lang ang nakikita at napapaglibangan niya, now nariyan na rin si Zayden na nagbibigay sigla rin sa kanya.
Kung malapit nga lang daw ang bahay ni Dean, ay araw-araw nilang bibisitahin ni Alec ang mga Apo kaso malayo sila. Ayon pa kay Dovie, masaya at natutuwa rin sina Duke at Elrey Binoe(mala Robin Padilla ang dating) sa kanilang mga pamangkin na ito na parehong artistahin ang dating. At tuwing nakikita ni Dovie sina Xander at Zayden ay magaling na siya sa kanyang sakit kasi nagdudulot ng sigla o enjoyment ang mga ito sa kanya. At di biro ang karamdaman ni Dovie. Kung sa iba ito nangyari ay baka naloka o namaalam na. O di ba, napakapositibo ng outlook, ngayon ni Dovie San Andres sa buhay. At infairness sobrang makulay ang life story nito.
***
Sa Showbiz Vlog, ni Direk Ronald Carballo na “DIREKwentuhan” na mapapanood sa kanyang Youtube Channel. Si Angel Aquino, ang kanyang guest. Nang matanong ni Ronald kay Angel, kung sino ang actress na hinangaan nito noong hindi pa siya artista? Mabilis na sagot nito ay si the late Nora Aunor. Pinanood nga raw niya ang “Andrea, Paano Ba Ang Maging Isang Ina?” At nagandahan siya sa liit ng mukha ni Ate Guy at power ng mata nito pagdating sa acting!
But noong makatrabaho raw ni Angel si Gov. Vilma Santos sa “Bata Bata Paano Ka Ginawa?” ay bigla raw siyang na-starstruck kay Ate Vi at inadmire na rin niya ito. At tanda pa raw niya ay noong mga panahong ito, ay parang naglie-low sa career niya si Ate Guy. At pinuri rin ng morenang aktres ang pag-arte ni Ate Vi at magaling raw talaga ito. At sobrang generous rin na bantayan ang kanyang voice, na importante sa isang actor, na agad naman niyang sinunod. Isa pang namangha(starstruck) si Angel ay kay Sharon Cuneta na nakatrabaho nila ni Hilda Koronel noon sa “Crying Ladies.”
At sa question kung paano siya nadiscover ni Direk Jeffrey Jeturian. Chika pa ni Angel, kumakain sila that time ng kanyang Nanay sa Shakey’s Pizza Parlor sa Sta. Lucia Mall. And she was 18 by then. Paglabas nila ng kanyang mother ay may sumusunod sa kanila at si Direk Jeturian, na nga ito na inalok siyang mag-artista na unang movie niya ay noong 1996 na “Mumbaki” with Raymart Santiago at aksidente lang daw ang pagkakasali niya sa movie, and the rest is history.
Now ay matagal ng manager ni Angel si Ricky Gallardo. And she is established actor now at parte siya ng Batang Quiapo.