Advertisers

Advertisers

Ex-DPWH Usec. Bernardo kumanta na

0 12

Advertisers

IKINANTA nitong Biernes ni dating Public Works Undersecretary Roberto Bernardo, sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Commitee sa multi-billion flood control scandal, ang mga politiko at opisyal na kumana ng hanggang 25 percent kickback sa ibinabang mga proyekto sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Maluha-luhang binasa ni Bernardo ang kanyang affidavit ang pangalan ng mga opisyal at politiko na kumamal ng milyones na kickback sa mga proyekto. Ito’y kinabibilangan nina dating Senate President “Chiz” Escudero, Sen. Jinggoy Estrada, dating DPWH Secretary ngayo’y Sen. Mark Villar, dating House Committee on Appropriations chairman ex-Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co, ex-DPWH Sec. Manuel Bonoan, ex-DPWH Usec. Ma. Catalina Cabral, ex-Senator ngayo’y Makati City Mayor Nancy Binay, ex-Sen. Jinggoy Estrada, ex-Sen. Grace Poe, ex-Caloocan Rep. Mitch Cajayon-Uy, ex-Bulacan Rep. Florida Robes, ex-DepEd Sec. Trygve Olaivar, ex-Sen. ngayo’y DepEd Sec. Sonny Angara, at ang negosyanteng si Maynard Ngu na umano’y bespren/bagman ni Chiz.

Actually, hindi lang si Bernardo ang nagbanggit sa pangalan ng mga taong ito na kumamal ng kickback sa mga proyektong ibinaba sa DPWH.

Maaalalang ikinanta narin ng mga dating DWPH-Bulacan Engineers na sina Brice Hernardez at Henry Alcantara sa mga naunang pagdinig ng Senado at House sa multi-billion flood control scandal ang pangalan nina Escudero, Estrada, Revilla, Binay, Villanueva (Joel), Zaldy Co at Cabral Cajayon-Uy na humirit at nahatiran daw nila ng kickback na umaabot ng hanggang 25 percent.

Nitong Biyernes, sa muling pag-upo ni Sen. Ping Lacson bilang chairman ng SBC, binanggit ni Bernardo na ilang beses nabigyan ng kickback (20%) si Escudero mula sa ilang flood control projects na hinrit nito sa DPWH.

Mula 2024 hanggang 2025 ay nakatanggap, aniya, si Escudero ng kickack mula sa mga proyekto sa Valenzuela, Marinduque, Oriental Mindoro, at Quezon City.

Si Estrada (Jinggoy) naman, ayon kay Bernardo, ay kumana ng 18% kickback mula sa kanyang hininging P450-million DPWH building project para sa National Capital Region kay Sec. Bonoan.

Originally, sabi ni Bernardo, P500m ang hinihirit ni Jinggoy pero P450m lang ang naibigay ni Bonoan.

Si Jinggoy ay kaibigan ni Bernardo.

Si Bernardo ay “bata” ng ama ni Jinggoy na si ex-President/ex-Manila Mayor Erap.

Ibinunyag din ni Benardo na P125 million ang naihatid niyang cash kay Bong Revilla. Nakalagay daw ito sa anim na bag na may lamang tig-P20 million at isang maliit na bag na P5m ang laman.

Humirit daw kasi ng project si Bong para may magastos sa kanyang kampanya noong 2022, pero siya’y natalo. Bad karma!

Itong sina Jinggoy at Bong ay kapwa nakulong na sa kasong Plunder (pork barrel fund scam) noong administrastyon ni yumaong dating Pangulo Noynoy Aquino.

Si Bong ay na-acquit sa kaso pero pinababalik sa kanya ang nalustay na higit P120m. Naibalik na kaya niya ang halagang ito?

Si Jinggoy naman ay nakalalaya sa piyansa. Ang apela niya sa Korte Suprema ay ‘denied’.

Bago mag-pasko, sabi ni Ombudsman “Boying” Remulla, maraming sangkot sa flood control scandal ang magpapasko sa kulungan.

Abangan!