Advertisers
SUGATAN sa ulo ang officer-in-charge ng isang eskuwelahan nang hampasin ng stand electric fan ng isang guro sa Lantapan, Bukidnon.
Nangyari ang insidente sa Balila Elementary School sa Barangay Balila noong Miyerkoles.
Nagwala umano ang gurong si alyas “John” nang hindi mabasa ang kaniyang fingerprint sa biometric attendance system.
Naging dahilan ito upang sirain ng guro ang ilang gamit hanggang sa hampasin niya ang OIC na si alyas “Rasel” na nagdulot ng sugat sa ulo nito.
Dahil sa insidente, nagsitakbuhan ang iba pang guro, habang pinag-initan din ni alyas John ang mga rumespondeng pulis.
Kasalukuyan nang nakakulong ang guro.