Advertisers

Advertisers

ZALDY CO NAGSALITA NA: “SI PBBM ANG NASA LIKOD NG KORAPSYON SA FLOOD CONTROL, NAGSINGIT NG P100B NA PONDO”

0 20

Advertisers

INAKUSAHAN ni dating Ako Bicol party-list Representative Zaldy Co si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at ang pinsan niya na si dating Speaker Martin Romualdez, at maging ang ilang miyembro ng Gabinete na sila umano ang nagplano ng umano’y “insertions” na nagkakahalaga ng P100 bilyon sa pambansang badyet.

“Nagsimula ito noong tumawag si Amenah Pangandaman sa akin noong nag-umpisa ang BICAM process last year, 2024… Ang sabi niya, katatapos lang ng meeting nila ni Pangulo at may instructions na mag-insert o magpasok ng 100 billion worth of projects sa BICAM. At sinabi pa ni Secretary Menah, you can confirm with Undersecretary Adrian Bersamin dahil magkasama sila sa meeting ni Pangulong BBM (Bongbong Marcos) noong araw na ‘yon,” pahayag ni Co sa isang video na inilabas ng kanyang kampo sa mga mamamahayag kahapon.

“Tinawagan ko po si dating Speaker Martin Romualdez at nireport ko ang instructions ng Presidente to insert the P100 billion projects. At sinabi niya (Romualdez) sa akin, what the President wants, he gets,” ani Co.



Sa huli, sinabi ni Co na ang P100 bilyong insertion sa 2025 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay binawasan at naging P50 bilyon dahil kung mananatili ito sa P100 bilyon, mas lalaki pa aniya ang budget ng DPWH kaysa sa Department of Education (DepEd) isang sitwasyong labag sa Saligang Batas.

“Pagkatapos ng isang araw, tinawagan ako ni Secretay Menah at sinabi niya, ang mensahe ng Pangulo, ipasok ninyo ‘yan dahil pinangako na sa akin ni Speaker Martin ‘yan at hindi na pwedeng baguhin.



Kumbaga, ang utos ng hari hindi pwedeng mabali,” ayon pa kay Co.

Samantala, sinabi rin ng dating kongresista na buong pwersa umano ang gobyerno para patahimikin siya.



“Ginagamit ng administrasyon ang buong resources ng bansa para tumahimik ako. That he will shoot me if I will talk. Gagamitin ako bilang panakip butas sa kanilang kampanya laban sa korapsyon,” dagdag ni Co. (Mylene Alfonso)