Advertisers

Advertisers

Launching Ng New Endorsement Na Hikari Aurum Ng Gonzaga Sisters(Toni & Alex) Super Fabulous; Hikari Skin Esssentials Nagpa-bongga Sa Kanilang Distributors

0 9

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

Sa napakalaki at malawak na Ballroom ng Gloria Maris Restaurant, sa Greenhills. Na punong-puno ang buong ballroom, sa ginanap na Launching para sa both new endorsement ng Gonzaga Sisters na sina Toni at Alex para sa HIKARI AURUM na P999 lang SRP. Yes, present ang halos lahat ng distributors at guests sa pinagsamang product launch at big event ng Hikari Skin Essentials nina President Michael Rey Almazan at partner na si Sir Ralph Gelua na tumatayong CEO ng HSE. Hanep at nag-perform ang mga kilalang Drag Queens sa event at namigay pa ng libo-libong cash sina Sir Michael at Sir Ralph para sa Best Dress noong gabing yun. Na para fair, sa lahat ng mga umakyat sa stage ay lahat ay ginawang winner. At nakahahanga naman talaga yung love at concern ng 2 owner ng Hikari Skin Essentials lalo na sa mga kababayan natin sa Cebu na mga biktima ng matinding pagbaha dahil sa bagyong Tino. Yung mga distributor nila rito ay inassure nila na papalitan nila ang lahat ng produkto ng Hikari na nasira. Imagine kung gaano kalaking halaga ang mawawala sa kanila. Pero hindi ito ang iniintindi nina Sir Michael at Ralph dahil, ang concern nila ay makatulong at di malugi sa negosyo ang lahat ng mga minamahal nilang distributors sa Cebu. Samantala, ipinagmamalaki naman ng dalawa ang bago nilang Celebrity Endorsers na sina Toni at Alex. Dahil alam nila na parehong malakas ng dating ng mag-sister sa kani-kanilang social media Platforms. Malaking tulong ang new endorsers nilang ito, para ma-promote ng husto ang kanilang bagong produkto na HIKARI AURUM S-ACETYL GLUTATHIONE, na Premium gluta capsules. At mapapa-Wow ka naman talaga sa produkto, dahil nagtataglay ang bawat kapsula nito ng 5 times glutathione.

Sa nasabing Launching naman for Toni and Alex. Nang tawagin ng 2 host ng event ang Gonzaga Sisters. Grabe, dumagundong ang buong ballroom ng Gloria Maris sa lakas ng sigawan at hiyawan ng lahat. Honest, sa mga korean superstars lang nangyayari ang ganitong pagtanggap na dinudumog at pinagkakaguluhan ang endorser. Kung meron man sa ating local celebrities ay very rare. At sobrang init talaga ang naging pagtanggap nila kina Alex at Toni. Lahat ay nagsitayuan sa kanilang upuan bitbit ang kanilang mga cellphone. At nagpuntahan lahat sa harapan ng stage para makita nang malapitan ang magkapatid. At lalong lumakas at tumindi ang palakpakan at hiyawan ng mag-duet sina Toni at Alex ng patok nilang number kahit saan na Celine Dion global hit na ” It’s All Coming Back To Me Now.” At pana’y ang pitik ng camera ng kanilang mga cellphone sa pagkuha ng pictures sa Gonzaga sisters. Very grateful, pa lang pareho sina Toni at Alex sa pagkuha sa kanila nina Sir Michael at Ralph sa pagkuha sa kanilang endorser ng HIKARI AURUM. At nagpapasalamat ang dalawa sa mga ito. At siyempre present ang Gonzaga couple na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy para sumuporta sa launching ng Endorsement ng kanilang loving daughters. Pareho ring sikat sa social media sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy. At mapapanood niyo sila mga ka-Maintenance sa kanilang BoPIn Vlog sa kanilang Youtube channel. And aside kay Mommy Pinty na LOVE ako. Special thanks to Ma’am Mavel Arive, na pretty at artistahin ang dating. She is the business partner of Sir Michael and Ralph. Sa kanya ibinabagsak ang lahat ng products ng Hikari Skin Essentials. At kay Ma’am Mavel, kinukuha ng mga Distributors ang mga produktong kanilang mga ibinebenta sa kanilang physical store o online!