Advertisers

Advertisers

Isnabero, abusadong taxi driver ngayong holiday season lagot sa LTO

0 45

Advertisers

NAGBIGAY ng babala ang Land Transportation Office (LTO) laban sa sinumang taxi driver na iisnab at mag-o-overcharging sa pasahe sa mga pasahero ngayong holiday season.

Sinabi ni LTO chief Markus Lacanilao, bawal mamili ng pasahero ang mga taxi driver at magpadagdag ng singil sa pasahe partikular ang mga nasa malls at terminal.

Hinikayat din ni Lacanilao ang publiko na ireklamo sa kanilang LTO Facebook page ang mga sumbong laban sa mga mapagsamantalang PUV driver para sa agarang aksyon.



Round the clock na ang LTO enforcers na nakatalaga sa mga terminals at malls para sa kapakanan ng mga pasahero.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">