Advertisers

Advertisers

PULIS NAG-POST NG MALALASWANG LARAWAN AT VIDEO SIBAK SA SERBISYO

0 273

Advertisers

SINIBAK sa serbisyo ng National Police Commission (Napolcom) ang isang pulis nang mapatunayan ‘guilty’ sa pag-post ng malalaswang mga larawan at mga video sa social media.

Kinilala ang inalis sa serbisyo na si Staff Sgt. Alexis Karil O. Sabater.

Ayon kay Napolcom Chief, Commissioner Rafael Vincente R. Canilisan, napatunayan guilty si Sabater sa kasong ‘Conduct Unbecoming of Police Officer’.



“Ako po ang nag-order ng motu propio investigation dito. Malinaw po na insulto ito sa dignidad ng mga kababaihan — pulis pa naman siya. Magsilbing babala po ito sa mga vlogger: ‘use your influence with prudence and be responsible when posting on social media’,” ani ni Calinisan.

Nabatid na nag-post si Sabater ng malalaswang mga larawan at mga video sa kanyang social media sa pangalang na “Semi Pogi” sa pagitan ng April at June 2025.



Sa mga larawan at video, makikitang mayroon itong hawak na papel na may mga bulgar na termino hinggil sa pagtatalik, pananampal sa babae na pinipilit na kumain, pang-eenganyo ng sexual na aktibidad, mga babae nagpapakita ng suso, at mga bata na umiinon ng gatas habang umiinom ng alak.

Sinabi ni Calinisan na sa kabila ito ng mga ipinalabas na PN Memorundum Circular No 2024-077 na nagbabawal sa paggamit ng mga Police uniform.



Aniya, makikita sa mga post ni Sabater na nakasuot ito ng police uniform at pagpapakila bilang isang police officer sa kanyang facebook. Hindi aniya kinikilala si Sabater bilang miyembro ng PNP bilang content creator o vlogger team.

Bilang defense, sinabi ni Sabater na ang mga nasabing video ay para sa kanyang personal expression at entertainment at wala aniya siyang intension na immorality o dungisan ang repustasyon ng pambansang pulisya. Isinaad din ni Sabater na ang pag-post niya ng mga naabing content ay bilang bahagi ng sideline upang madagdagan ang kita para sa pamilya, at agad naman nito dine-delate.

Sa isinagawang pag-review ng Napolocm Enbanc, iginiit ni Calinisan na napagbotohan o napagpasiyahan na guilty si Sabater sa Conduct Unbeboming of Police officer, at ipinag-utos ang pagsibak sa serbisyo.(Mark Obleada)