Advertisers

Advertisers

PAANO NA NGAYON, MGA ‘AMBOY?’

0 6,801

Advertisers

INILABAS na ang bagong ‘National Security Strategy’ ng ‘Tadong Unidos, ang “doktrina” na gagabay sa mga galawang militar at pangseguridad ng Amerika sa buong administrasyon ni President Donald Trump.

At ang malinaw dito? Balik ang atensyon ni Uncle Sam sa ‘Western Hemisphere’ (Americas) batay sa ‘1823 Monroe Doctrine’ ni Pang. James Monroe kung saan ‘off limit’ ang buong lugar sa panghihimasok at pakikialam ng ibang bansa. At handa ang ‘Tadong Unidos na makipagdigmaan kahit kanino sakaling sumubok sila.

Translation? Malinaw na pagbasura ito sa ‘2011 Pivot to Asia’ ni President Barak Obama, isang ‘containment strategy ng Amerika laban sa China—at dahilan kung bakit “namumuro” ang ‘Pinas bilang ‘war zone’ sa inihahandang agresyon ng ‘Tadong Umidos laban sa China bilang imbakan ng kanilang mga puwersa at armas sa kanilang siyam na base militar dito.

Siyempre pa, hindi naging mahirap para sa mga Kano na muling gawing “garrison” ang Pilipinas dahil nga ‘sandamakmak ang kanilang mga “tuta” dito na pawang matataas pang opisyal ng ating gobyerno partikular sa ating ‘national security/defense establishment’ sa katauhan ni BBM, General Romeo Brawner at Secretary Gibo Teodoro.

At ngayong nagbago na ang estratehiya at atensyon ng Amerika mula ‘Indo-Pacific’ pabalik sa sarili nitong “bakuran,” paano na tayo ngayon?

Sa partikular, paano na ang mga ‘Amboy’ sa gobyerno na sobrang naniwala sa ‘ironclad commitment’ ni Uncle Sam basta payag tayong maging “pambala sa kanyon” laban sa China at patuloy nating aawayin ang China para sa maitim na planong gera ng Amerika laban sa China?

Sa ‘APEC Summit’ sa South Korea noong Nobyembre, nakita ng mundo na mistulang “nanikluhod” si Trump kay Chinese President Xi Jinping upang maisalba ang ekonomiya ng Amerika matapos pumalpak ang kanyang ‘Tariff War’ laban sa China.

Muli ring binuksan ang ‘direct defense/security channel’ ng China at Amerika upang matiyak na hindi mauuwi sa digmaan ang kanilang hindi pagkakaunawaan sa mga isyu, partikular sa isyu ng Taiwan at South China Sea.

Dahil naman sa matagumpay na ‘hate campaign’ ng mga Amboy tuluyan nang naging “malamig” (frozen) ang relasyon natin sa China, dahilan kaya walang maipagyabang na ‘accomplishment’ ang administrasyon. Bagsak ang turismo, walang malaking ‘FDIs’ (foreign direct investment). Paano na ang ating ekonomiya?

Ngayong “iiwan” din pala tayo ni Uncle Sam batay sa bago nitong doktrina, paano ngayon ‘yan?

Dahil sa inyo, napahamak ang buong ‘Pinas. Hindi ba kayo marunong mahiya?

Kung mayroon pa kayong dangal? Mag-resign na kayo, now na!