Advertisers
MAGHAHAIN ang Office of the Ombudsman ng dalawang sets ng mga kasong kriminal sa Sandiganbayan ngayong linggo kaugnay ng kontrobersiyal na flood control projects.
Kinumpirma ito ni Assistant Ombudsman, Atty. Mico Clavano, nitong Martes. Aniya, “There are some cases that are up for filing…that may reach the Sandiganbayan this week.”
Inihayag ni Clavano na matitibay ang mga kasong isasampa laban sa mga sangkot sa anomalya dahil layunin ng Ombudsman na panagutin ang mga ito.
“Definitely (these are strong cases). Because we are not chasing headlines here. We are not after good news before Christmas,” saad niya.
“Ang hinahabol po natin ‘yung totoong accountability, totoong may mananagot sa mga kasalanang ginawa sa taumbayan. These cases do not have the same sets of evidence [on hand]. There are some cases that are stronger than others,” dagdag pa niya.
Binigyang-diin pa ni Clavano na hindi basta-basta magsasampa ng kaso ang Ombudsman ng walang sapat na basehan dahil posibleng makatakas sa pananagutan ang mga may sala kung mahina ang ebidensiya.