Advertisers

Advertisers

KIM NAUBOS NA ANG LAKAS, AYAW NANG MATAWAG NA STRONG WOMAN

0 15

Advertisers

Ni Beth Gelena

Halata ang bigat sa dibdib ang dinadala ngayon ni Kim Chiu. Itago man niya ang saloobin para entertainin ang mga tagahang ay hindi pa rin ito matatakpan ng kanyang mga ngiti dahil sa kanyang isipan ay naroroon pa rin ang kalungkutan dahil sa nangyari sa kanilang pamilya.

Mabigat sa kanyang dibdib ang ginawang desisyon ba idemanda ang kapatid na pinakamamahal na si Lakam.

Sa isang reel na pinost ng aktres ay ibinahagi niya ang kontrobersiyang pinagdadaanan kung saan humihingi siya ng suporta, pagmamahal at pang-unawa hindi lang sa pamilya kundi sa mga kaibigan at sa lahat ng taong nakakaunawa sa kaniya.

Isang makahulugang audio ang napili ni Kim para sa reels kung saan may kaugnayan ito sa kanyang nararamdaman.

Base sa audio, pangarap niyang huwag nang masabihang siya ay strong woman.
malakas o malakas.

Pagod na raw siya at ayaw nang matawag na ‘strong,’ I’m exhausted.

Makikita sa reel na tumatakbong palayo sa alon ng dagat ang aktres at sa huling parte ay nakasakay siya sa sasakyan at nakatingin sa labas habang papalubog ang araw.

“Pangarap kong hindi na matatawag na malakas. Naubos na ang lakas ko. Gusto ko ng suporta, gusto ko ng pagmamahal, gusto ko ng pang-unawa. Hindi tinapik sa likod kung gaano ako natamaan,” ang maririnig sa audio narration.

Tanging white heart, praying hand, at star emojis lamang ang caption ni Kim ngunit agad itong umani ng mga komento mula sa mga kaibigan sa showboz pati na rin sa mga supporters.

“Please know that nasa prayer ka nming pamilya Miga, and lab na lab kita ha,” saad ni Melai Cantiveros.

Comment naman ni Say Alonzo, “Love you @chinitaprincess.”

Sey naman ng isang faney, “Mahigpit na yakap Kimmy, nauunawan kita Remember yung gift ko sayo na rosary, I want you to remember that God is always beside you and Mama Mary loves you, Just remember that whatever you are feeling right now, lahat yun valid…just take your time to rest. Mahal na mahal kita nandito lang Ako palagi para sayo.”

***

ANGELICA AYAW MAKISAWSAW SA DEREK ISYU, MAS PRINOPROTEKTAHAN ANG PEACE OF MIND

Bising-bisi ngayon si Angelica Panganiban sa pagpo-promote ng movie entry nila ni Zanjoe Marudo para sa Metro Manila Filmfest 2025, ang Unmarry.

Alam ng lahat na malaki ang naging ambag ni Angge sa buhay ng controversial hunk actor na si Derek Ramsay, kaya hindi maiwasang matanong ang aktres tungkol kay Derek.

Matagal din kasing nagkarelasyon noon sina Angelica at Derek na kung hindi kami nagkakamali ay umabot ng lima o pitong taon as a celebrity couple.

Sa isang panayam ay natanong ang aktres tungkol kay Derek at maging sa toxic relationships.

Nagpakatotoo naman sa kanyang sagot ang aktres.

Candid ang pananaw ni Angge tungkol sa mga toxic relationship at ang proseso ng healing.

Pag-amin niya, pinakamalaking hamon daw ay ang pagtanggap sa sarili na nasa ganoong sitwasyon.

“Mahirap ah, kasi hindi mo alam kung andun ka eh, mahirap siyang damahin o kapain. Kasi of course, minsan, in denial ka na it’s really happening sa sarili mo na, ‘Talaga ba? Nasa toxic relationship ako?'”

“And as much as possible, dahil sa ego mo, hindi mo i-entertain yung ganung klaseng idea kahit pa na sabihin sa’yo ng mga tao sa paligid mo na, ‘Tama na ‘yan, hindi na healthy yung relationship niyo, at red flag yang tao na ‘yan,’ eh mahirap. Ikaw lang din talaga ang kakalas sa ganung klase ng relationship when you’ve had enough.”

Iginiit din ng aktres na ang healing process ay hindi dapat katakutan ng mga tao.

“Ang akala ng mga tao na ang healing ay nakakatakot na proseso, but no, ang healing? Ang sarap niyang journey, na for me ha, diba pag nagkakasakit tayo tas alam mong pagaling ka na, tapos ka na dun sa nilalagnat ka, dun sa halimbawang surgery, kapag andun ka na sa healing? Kasi alam mong patapos na siya eh, alam mong it’s only gonna get better.”

Tinanong tuloy siya kung naging toxic ba ang relasyon nila noon ni Derek?

Walang direktang sagot si Angge, sa halip ay sinigurado niyang patuloy protektahan ang “peace” na meron siya.

“Yung sa amin? Siguro, tulad nung sabi ko kanina, meron akong peace ngayon na sobra kong iningatan at patuloy na iniingatan, and I really don’t want na mag-comment sa kahit na ano from my past.”

Masaya na si Angge sa kanyang married life kaya naman siguro huwag nang uriratin pa ang nakaraan ‘Unmarry’ naman sila ni Derek di ba?

Kasal siya kay Gregg Homan na isang businessman at may isa na silang anak si Amila Sabine.

Sabi nga ni Angge noon hinggil sa kanyang mister, “Sa kanya, nakahanap talaga ako ng katahimikan. Ang una-una kong naramdaman sa kanya, safe ako… Para kang safe and secured, parang lagi niya akong uunahin.”

***

PAPA P HINDI TUMATANDA!

Mini-maintain talaga ni Piolo Pascual ang kanyang health lalo na at nagma-mature na rin naman ang aktor.

Sa Facebook account ni Papa P, ipinapakita niya kung ano ang kanyang kinakain sa mealtime.

Aniya: “Your perfect meal time partner. Truetea no sugar added iced tea sweetened naturally with stevia”

Ang daming nakarelate sa pag-aalaga ng aktor sa kanyang katawan.

Isang avid fan naman ang nagpasalamat kay Papa P.

Aniya, “thank u sa music mo, nagpapatulog ng anak ko since newborn, till naka watch sya ng concert mo sa bcd, till now gusto nya pakinggan ang music mo, she is now 16yo”

“Penge nman po lods.. hehehhee eat well and drink well..”

“Signs of old age”

“Nag lolow carb sya ulam lang no carbo”

“sign na tumatanda ang tao stevia na ginagamit”

“Sobrang bait po ni Papa pi dapat tumatakbo kayong congressman sa Mabini Batangas dahil yung binibigay nyo sa amin hindi tinipid”

“Ibig bang sabihin niyan ay namigay ng ayuda ang aktor sa kanilang lugar… Sana ol”
“Parang hindi tumatanda si papa P a”