Advertisers

Advertisers

DOJ RULING ‘FLAWED AND UNFAIR’ — ATONG ANG COUNSEL

0 14

Advertisers

Mariing tinuligsa ng kampo ni Charlie “Atong” Ang ang desisyon ng Department of Justice (DOJ) na sampahan siya ng kaso kaugnay ng pagkawala umano ng ilang sabungero, sa pagsasabing “malubhang depektibo at lubhang hindi makatarungan” ang naturang resolusyon.

Nabatid sa press statement sinabi ni Atty. Gabriel L. Villareal, abogado ni Ang, puno umano ng “factual gaps” at “malalaking inconsistency” ang ruling ng DOJ panel, at malinaw umano ang “bias” sa naging takbo ng imbestigasyon. Nakabase lamang daw ang desisyon sa “sira at kuwestiyonableng testimonya” ng isang saksi na aniya’y “wala nang kredibilidad.”



Posible aniya silang magsumite ng motion for reconsideration upang ipa-reverse ang desisyon ng DOJ.

“It is unfortunate that the DOJ has been taken for a ride by a dubious witness masquerading as a crusader,” ani Villareal, sabay giit na ang hindi pagsasampa ng kaso sa karamihan ng mga unang iniugnay sa insidente ay patunay umano sa pagiging “spurious” ng salaysay ni Julie Patidongan.



Dagdag pa niya, kumpiyansa ang kanilang kampo na mapabubulaanan nila “sa tamang panahon” ang mga umano’y gawa-gawang akusasyon ni Patidongan, na kanilang tinawag na “arkitekto ng krimen.”

Samantala kinuwestiyon din ni Villareal kung bakit hindi nasama sa kaso ang magkapatid na Patidongan, sa kabila umano ng “malinaw na ebidensya” ng kanilang partisipasyon sa pagdukot at pagkawala ng ilang sabungero.



Giit ng abogado, dapat ay iniutos ng DOJ panel ang reinvestigation ng PNP-CIDG dahil sa maraming tanong hinggil sa legalidad at pagiging patas ng proseso.

“Ordering a police reinvestigation is not only proper but mandated,” saad niya. (Boy Celario)