Advertisers

Advertisers

ROMUALDEZ AT CONG MARCOS, IIMBESTIGAHAN NG OMBUDSMAN

0 16

Advertisers

Iimbestigahan ng Office of the Ombudsman sina Leyte Rep. Martin Romualdez at House Majority Leader Sandro Marcos.

Kasunod ito ng report ng PCIJ kung saan tinawag ang dalawang kongresistang pork barrel kings.

Sinasabing umabot ng P1.2T ang allocable funds nina Marcos at Romualdez simula noong 2022.

Tinaguriang bagong pork barrel ang allocable funds, kung saan ehekutibo ang nagtatalaga at nagdedesisyon kung paano gagastusin ang pondo.

Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, susundan nila ang mga ebidensya sa imbestigasyon at posible ring gamitin ang report ng PCIJ sa imbestigasyon.

Una nang humarap sina Romualdez at Rep. Marcos sa imbestigasyon ng ICI at itinanggi ang mga akusasyon.

CONG. FERNANDO, BUMUWELTA KAY ES RECTO MATAPOS I-UTOS NG KORTE SUPREMA NA ISAULI ANG P60-B PONDO NG PHILHEALTH

Samantala binira naman ni Kamanggagawa Party-list Rep. Elijah San Fernando si Executive Secretary Ralph Recto matapos utusan ng Korte Suprema na ibalik ang umano’y P60 bilyong pondo ng PhilHealth, na aniya’y perang mula sa pinaghirapang hulog ng mga manggagawa para sa kanilang benepisyong pangkalusugan.

Giit niya, malaking sampal ito sa Malacañang na dati pang iginigiit ang paggalaw sa pondo ng PhilHealth, at malinaw na panalo ito ng uring manggagawa na matagal nang naninindigan na huwag pakialaman ang kanilang kontribusyon.

Dahil sa desisyong ito, lalong uminit ang usapin sa publiko kung paano tutugon ang kasalukuyang administrasyon sa makasaysayang ruling na kumakampi sa karapatan ng mga ordinaryong Pilipino.

***

Anumang reaksyon o suhestiyon i-text sa 09397177977/0936-8625001 o di kaya mag email: balyador69@gmail.com