Advertisers

Advertisers

CO-WENTONG BARBERO NINA FUGITIVE CONGRESSMAN AT DISMISSED USEC?

0 2,149

Advertisers

SA gitna ng sandamakmak na alegasyon, kabi-kabilang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso kaugnay ng malawakang katiwalian sa pamahalaan ay naging laman naman sa huntahang barberya ang naging rebelasyon ng puganteng FORMER AKO BICOL PARTYLIST REPRESENTATIVE ZALDY CO at ang pangangaladkad ni dismissed DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS (DPWH) UNDERSECRETARY ROBERTO BERNARDO ng mga prominenteng personalidad para mapagtakpan ang ilegalidad nito sa sa isyu ng kontrobersiyal na FLOOD CONTROL PROJECTS.

Sa napakaraming ebidensya at testimonya laban sa kanila ay walang dudang makukulong ang mga ito sa sandaling matapos ang pagdinig ng hukuman dahil maraming kaso ang kanilang kinasasangkutan.., at para makaiwas ay nagtago sa ibang bansa si CO habang pinili naman ni dating USEC BERNARDO na mangaladkad ng mga prominenteng personalidad para pagtakpan ang kanyang ginawa.

Mga ka-ARYA.., sa ganang akin ay malinaw ang motibo ng kanilang litanya.., na ilihis ang atensyon ng publiko sa iba at kabilang sa kanilang pinuntirya si FORMER EXECUTIVE LUCAS BERSAMIN na nagsilbi bilang dating SUPREME COURT CHIEF JUSTICE.

Sa pagpili ng CHIEF JUSTICE ay kailangang may integridad at kailanman hindi nasangkot sa anumang bulilyaso.., yan marahil ang pinagbatayan ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR sa pagtatalaga kay BERSAMIN sa MALACAÑAN bilang PRESIDENT’s EXECUTIVE SECRETARY.

Teka.., ano nga ba ang trabaho ng isang EXECUTIVE SECRETARY (ES)? Sa aking pagsasaliksik mula sa Google at mga document papers ay ito ang natisod ko:

“An Executive Secretary provides high-level administrative support, managing schedules, communications, and logistics for executives, acting as a gatekeeper and ensuring smooth office operations by handling correspondence, coordinating meetings/travel, preparing documents, maintaining records, and managing confidential information with professionalism and discretion.”

“Their duties bridge clerical tasks with strategic support, often involving research, reporting, and liaison with internal/external stakeholders.”

Sa madaling salita, siya ang punong abala sa mga aktibidad, appointment at pulong ng PRESIDENT. Sa kanya rin bumabagsak ang tinatawag na “screen calls,” emails at guests sa MALACAÑAN na siya rin ang tumitipa ng mga official correspondence. Sa kanya rin nakatoka ang AGENDA sa tuwing may CABINET MEETINGS.., pati ang biyahe ng PRESIDENT ay responsibilidad ng ES at bilang ES ay sa kanya ipinagkakatiwala ng PRESIDENT ang mga sensitibong dokumento.

Wala sa mga trabaho ng ES ang magpasya para sa PRESIDENT higit lalo tungkol sa pondo ng gobyerno.., kaya nga para sa akin etong mga kwento nina CO at BERNARDO ay maikakategoryang KUWENTONG KUTSERO o KUWENTONG BARBERO!

Ayon kay CO, si ES umano ang nag-areglo sa budget insertion para sa 2025 NATIONAL BUDGET.. sa utos daw ng PRESIDENT.

Sowmalosep e bakit padadaanin pa sa budget insertion kung pwede naman ipasok yun habang binabalangkas ang NATIONAL EXPENDITURE PROGRAM (NEP)?

Ayon naman kay BERNARDO.., sinabihan umano ni ES si former DPWH SECRETARY MANUEL BONOAN na siya na ang bahalang maghatid ng “KOMISYON” para sa PRESIDENT. Teka teka.., engot pala si BERNARDO e pareho lang SECRETARY ang ranggo nina BERSAMIN at BONOAN.., pareho silang nakarekta sa PRESIDENT.

Bakit ipagkakatiwala pa ni BONOAN ang sinasabing P52 bilyon na para sa PRESIDENT kung pwede naman siya mismo ang mag-abot ng pera dun sa bida? Sa gayung paraan e may pogi points pa siya.., hay naku e sa HAO SIAO VLOGGERS lang lulusot ang KUWENTONG BARBERO nitong si BERNARDO!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.