Advertisers

Advertisers

BATO, BONG GO SUSUNOD NA DADAKPIN

0 56

Advertisers

HINDI naihatag ang mga arrest warrant laban kay Bato dela Rosa at Bong Go dahil may apela ang kampo ni Gongdi sa ICC tungkol sa hurisdiksyon ng ICC sa sakdal na crimes against humanity na iniharap ni Sonny Trillanes at iba pa sa kanya.

Ikinakatwiran ng kampo ni Gongdi sa pamamagitan ng kanilang manananggol na si Nicholas Kaufman, na wala nang hurisdiksyon ang ICC sa kanya dahil tumiwalag ang Filipinas noong 2019 sa Rome Statute, ang tratado ng maraming bansa na bumuo sa ICC.

Ikaanim na petisyon na ito ng kampo ni ICC upang kuwestiyunin ang kapangyarihan ng ICC sa Filipinas. Isa lang ang katwiran nila – wala umano poder ang ICC sa bansa dahil tiwalag na ito sa ICC. Limang beses na hindi kinilala ang limang petisyon ni Gongdi.

Hindi ito kinagat ng ICC. Ikinatwiran ng ICC na may poder dinggin ang mga reklamo laban kay Gongdi kahit tumiwalag na ang Filipinas. May probisyon sa Rome Statute na hindi nawawala ang poder ng ICC sa bansa kahit tumiwalag na ang Filipinas. Ito ang probisyon na hindi nauunawaan ng kampo ni Gongdi.

Nais ni Gongdi na huwag managot sa libo-libong katao na pinaslang noong siya ang pangulo ng bansa at inilunsad ang madugo pero palpak na digmaan kontra droga. Kapag naresolba ang huling petisyon, wala nang sagabal upang dakpin si Bato at Bong Go at dalhin sa punong himpilan sa The Hague dahil kinakatawan nila ang pagpapatupad ng programa ni Gongdi sa droga.

Ilalabas ng ICC ang desisyon ngayong ika-12 ng Disyembre, 2025. Walang inaaasahan na pagbabago sa desisyon dahil walang iniharap na bagong katwiran sa ikaanim na petisyon. Hindi kakagatin ng ICC ang katwiran na matanda na si Gongdi, maysakit, at nag-uulyanin. Hindi papayag na pakakawalan si Gongdi at pababalikin sa Filipinas.

Kamakailan, hinatulan ng ICC na ibilanggo ang berdugo ng Sudan na nagpapatay sa libu-libong mamamayan sa kanyang bansa. Nakikita namin na hindi malalayo si Gongdi sa kanyang kapalaran. Lilitisin ng ICC at ibibilanggo hanggang mamatay siya sa piitan ng ICC.

Samantala, dadakpin si Bong Go at Bato, ang dalawang alalay ni Gongdi na nagpatupad ng digmaan kontra droga. Si Bato ang lumagda at nagpatupad sa order na gamitin ang PNP bilang kasangkapan ng maramihang patayan. Si Bong Go ang nagbigay ng pabuya sa mga pulis na pumatay sa mga pinaghinalaang sangkot sa droga.
*
MISTULANG huramentado na naghamon ng debate ang isang lider umano ng isang pekeng environmental group sa Zambales. Ang pinakamalaking problema niya: walang pumansin at mas lalong walang sumagot. Hindi siya pinatulan. Walang bumili sa panukala niya na debate.

Hinamon niya ng debate ang mga mamamahayag na naglabas ng ulat ng interagency committee na binubuo ng DPWH, DILG, DENR, at DoTr na nagsabing walang soil erosion na nangyari sa dregding activities sa mga ilog ng Sto Tomas, Bucao, at Maloma sa bayan ng San Felipe sa Zambales. Pilit na iginigiit ng pekeng environmental group na may soil erosion kahit wala silang malinaw na batayan sa agham.

Hindi sanay sa mga debate sa harap ng mikropono ang mga mamamahayag, lalo na ang mga taong sanay na nagsusulat. Kung gusto niya ng debate, gamitin ang panulat at hindi ang mikropono. Ang problema ng lider ng pekeng enviromental group: hindi siya marunong sumulat at ang tanging alam niya ay dumaldal lang.

Hindi kailangan ng mga mamamahayag ang daldalan. Ibinigay na nila ang kanilang katwiran sa kanilang mga panulat at ulat. Hahayaan na lang na mangusap ang kanilang panulat. Kaya hindi nila papatulan ang masatsat na lider ng pekeng environmental group.

Teka nga pala. Hindi binubuo ng mga lantay na tagapangalaga ng kaligiran ang kasapian ng pekeng environmental group. Marami sa kanila ang mga resort owner sa lalawigan ng Zambales. Sa kasamaang palad, winasak ng mga malalaking alon at malakas na hangin dala ng habagat ang kanilang resort establishment sa baybay-dagat ng San Felipe at San Narciso.

Marami sa istraktura ang itinayo ng walang permit at lisensiya mula sa munisipyo. Bukod sa nasira ang kanilang establisimiyento, nahaharap sila sa sakdal sa lalawigan. Ito ang ipinagputok ng kanilang butse.

***

Email: bootsfra@yahoo.com