Advertisers
Sa halip na natengga lamang ang P60 BILYON EXCESS FUND ng PHILIPPINE HEALTH INSURANCE CORP. (PHILHEALTH) sa NATIONAL TREASURY ay masinop na nagamit ito sa kapakinabangan ng mamayan sa aspeto ng benepisyong pangkalusugan at hindi nagamit sa FLOOD MITIGATION PROJECTS.
Nitong December 5, 2025 ay ideneklara ng SUPREME COURT na iligal ang paglipat ng P60 bilyong EXCESS FUND ng PHILHEALTH sa NATIONAL TREASURY noong 2024.., na ang paglilipat ng sobrang pondo ng PHILHEALTH at iba pang government-owned or controlled corporations (GOCCs) ay batay sa Special Provision 1(d) ng Chapter XLIII ng 2024 General Appropriations Bill o budget law at sa ilalim ng naturang probisyon ay pinapayagan ang DEPARTMENT OF FINANCE (DOF) na ipalipat ang sobrang pondo ng GOCC sa NATIONAL TREASURY upang magamit para sa mga GOVERNMENT PROJECT.
Gamit ang probisyong nakasaad sa GAA.., naglabas ang noon ay SECRETARY ng DOF na si EXECUTIVE SECRETARY RALPH RECTO ng Circular No. 003-2024 hinggil sa cash sweep ng sobrang pondo ng PHILHEALTH.
Ipinunto man ng SC na labag sa Konstitusyon ang Special Provision 1(d) ay apat na mahistrado ng SC ang nanindigan na hindi ito kasalanan ni RECTO dahil ang kanyang ginawa ay alinsunod sa utos ng CONGRESS sa inaprubahang GAA.., kaya hindi umano masasabing si RECTO ang nag-orchestrate ng paglipat sa pondo kasi inatasan lamang siyang gawin ito sa ilalim ng Special Provision 1(d) ng Chapter XLIII ng budget law na isinulat ng CONGRESS, na may eksklusibong “POWER OF THE PURSE” pagdating sa pagbabadyet batay sa 1987 CONSTITUTION.
Ginawa rin ni RECTO ang hakbang matapos makakuha ng CLEARANCE mula sa OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL (OSG), OFFICE OF THE GOVERNMENT CORPORATE COUNSEL (OGCC), GOVERNANCE COMMISSION for GOCCs (GCG), COMMISSION ON AUDIT (COA) at maging ang PHILHEALTH BOARD mismo.
Ang sobrang pondo ng PHILHEALTH batay sa mga datos ay nagamit ang P27.5 bilyon para sa public health emergency benefits and allowances para sa healthcare workers (HCWs) at non-HCWs noong Covid-19 lockdown; P10 bilyon para sa medical assistance to indigent and financially incapacitated patients (MAIFIP); P4.1 bilyon para sa pagbili ng iba’t ibang medical equipment para sa mga ospital ng Department of Health (DOH) at ng local government units (LGUs); P3.4 bilyon para sa pagpapatayo ng tatlong health facilities ng DOH; at P1.7 bilyon para sa health facilities enhancement program (HFEP) ng DOH.
Kaya sa kabuuan ay P46.7 bilyon ang napunta sa gastusing pangkalusugan, at P13 bilyon ang napunta sa government counterpart financing para sa foreign-assisted infrastructure at social development projects.
Sa pamamagitan ng paglilipat ng P60 bilyong nakatenggang pondo ng PHILHEALTH noong 2024 ay naiwasan ng NATIONAL GOVERNMENT (NG) ang muling pangungutang na sana’y magdadagdag sa public debt stock ng P60 bilyon, pati na ang tubo o interes na tinatayang P3.8 bilyon kada taon, batay sa average interest rate na 6.3% noong 2024.., na hindi na kinailangan pang magpataw noon ng bagong buwis para mapondohan ang mga prayoridad na programa at proyekto.., higit sa lahat, ang P60 bilyong PHILHEALTH FUNDS na isinoli sa TREASURY ay hindi galing sa kontribusyon ng miyembro kundi ito ay mula sa subsidies, kabilang ang mga “sin” taxes o buwis mula sa mga tobacco products at alak.
Kaya naman nakatipid ang bansa ng humigit-kumulang P20 bilyon sa interest payments noong 2024 at 2025 dahil sa pag-isyu ng DOF 003-2024 na naglipat ng P60 bilyong sobrang pondo ng PHILHEALTH na nakatengga lamang at hindi naman ginagamit sa anumang produktibong aktibidad.., na nagawa pang palawakin ng PHILHEALTH ang mga benepisyo o serbisyo sa kalusugan para sa mga insured na Pilipino dahil sa maingat at moral na desisyon ni RECTO na limitahan ang cash sweep sa excess subsidies ng PHILHEALTH at hindi isama ang member contributions.
Naging malaki ang papel na ginampanan noon ni RECTO sa pagtitipid at makabuluhang paggamit ng pondo para sa kapakinabangan ng mamayan na bukod sa aspetong pang-medical ay napaglaanan pa nito ng P13 bilyon para sa mandatory government counterpart financing para sa foreign-assisted infrastructure at social development projects.., na magpapabilis sa paghahatid ng healthcare services sa malalayong lugar at magpapahusay sa kalusugan at kabuhayan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagtitiyak ng food security sa ating bansa!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.