Advertisers

Advertisers

Curlee Discaya, 3 DPWH engineers sa kulungan ng Senado magpa-Pasko at bagong taon

0 9

Advertisers

POSIBLENG sa Senate detention facility mag-Pasko at Bagong Taon ang kontraktor na si Curlee Discaya at dating district engineers Brice Hernandez, Henry Alcantara at Jaypee Mendoza.

Matatandaang na-contempt ang mga nasabing indibidwal sa kasagsagan ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng multi-billion flood control scandal.

Ayon kay Senate President Tito Sotto, ito ay hangga’t walang warrant na inilalabas sa kanila ang mga awtoridad.



“‘Pag wala, dito pa sila hangga’t hindi tapos ‘yung Blue Ribbon hearing… Hanggang June of 2028. Kasi ‘yun ang sinasabi ng Supreme Court, na-contempt namin ay hanggang matapos lang ‘yung committee report or ‘yung Congress na ‘yun,” ani Sotto.

Sa ngayon, walang request ang mga nakadeteneng resource persons na makalaya ngayong Pasko.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">