Advertisers
TINIYAK ni dating Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissione Atty. Romeo Lumagui Jr., na makikipagtulungan siya sa komite upang tukuyin ang lahat ng isyu na bumabalot sa ahensya at maglatag ng pamamaraan sa paglutas nito.
Ginawa ito ni Lumagui, sa pagbukas ng unang serye ng pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa BIR sa pagpapalabas ng Letters of Authority (LOA) at mga Mission Orders (MO).
Sa kanyang opening speech, binatikos ni Senador Erwin Tulfo ang pang-aabuso at paggamit bilang sandata ng korapsiyon ang LOAs at MOs ng ilang tauhan ng BIR base sa reklamo ng ilang maliliit na negosyo at international companies.
Ayon kay Tulfo, maraming taon ang nakalipas na nagrereklamo ang ilang negosyante hinggil sa hindi pantay na tax assessment bagkus nahaharap sila sa panggigipit, intimidasyon at kuwestiyunableng demand kapalit na pagbawi o kundi man pagpapalabnaw sa imbestigasyon sa pagbubuwis.
Sinabi ng senador na kumikita ang BIR personnel mula sa panghuhuthot umano nila sa negosyante na umaabot sa 25% ng nakokolektang buwis mula sa LOAs at MOs.
Pinaliwanag ni Lumagui na nakapaglatag na siya ng apat na pangunahing programa upang masugpo ang katiwalian sa ahensiya tulad ng pagpapatatag sa integridad at propesyunalismo sa institution at empleyado.
“Number two, of course, in conjunction with the excellent or bringing about the integrity and professionalism of the institution. We focused also on the digitalization program of the BIR. That would focus also on integrity and professionalism as well as give excellent tax payers service,” aniya.
Kaya naging focus umano ng task force na ginawa ng kanyang pamunuan na habulin ang mga tax evaders kabilang ang mga malalaking negosyante na napatunayang nandadaya sa pagbabayad ng buwis.
“That’s why we went all out war, we raged all out war against illicit trades and all these illicit traders. And this is also, again, as I mentioned, not just to collect taxes from the big-time tax evaders, but also to protect the legitimate tax payers and legitimate businesses because we want to level the playing field,” ayon sa dating komisyunado.
Aniya, nagkaroon din ng digital transformation through the Online Registration and Update Systems (ORUS) bagong BIR web portal na may 10 million sa unang taon, unang ISO certification to standardize processes and intensify Run After Fake Transactions (RAFT).
Ang nabanggit na reporma ay may koleksyon na P2.85 trillion noong 2024 na umabot sa 13.29% at P2.32 trilyon mula Enero hanggang Setyembre 2025, o katumbas ng 10.88%. (Mylene Alfonso)