Advertisers
SINIGURO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maayos ang kanyang mental well-being sa kabila ng bigat ng tungkulin bilang pangulo.
Ayon kay PBBM, malaki ang naitulong ng matagal na pag-obserba niya sa kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. upang maunawaan ang sakripisyong kaakibat ng posisyon.
Binanggit ng Pangulo na mahalaga ang pagpapahinga kahit ilang oras lamang para manatiling malinaw at epektibo ang pag-iisip, habang ang regular na pag-eehersisyo ang nagsisilbi niyang stress relief.
Giit ng Pangulo, ang motibasyon niya sa pamumuno ay ang hangaring makapaglingkod at hindi personal na interes.
Nang tanungin kung nanaisin niyang mabuhay sa ibang pamilya, tahasan niyang sinabi na hindi at itinuturing niya rin ang kanyang sarili bilang ‘pinakaswerteng tao’ dahil sa kanyang mga magulang at mga karanasang humubog sa kanya. (Gilbert Perdez)